Kay tagal na pala nang huli akong magsulat
Kay tagal na pala nang huli kong ibuklat
Binasa’t inalala,
Tatlong taong lipas na.
 
Lahat ng sakit at hirap ko
Tumulong upang  ako’y maging isang tunay na tao.
Nangungulila ako sa mga araw na nagdaan.
Nais  kong maulit lahat ng nakaraan.

Gusto ko ulit makasama kayo sa mga kalokohan.
Gusto kong kasama kayo noong oras ng kasiyahan.
Kahit na minsan ay puro kabulastugan
Di ko yun makalilimutan kahit kailan.

Ngayon tatlong buwan nalang ang natitira
Pano natin uubusin ang nalalabing oras?
Di pa ma’y sabik na kong muling makita
Ang mga taong kasama ko sa tatlong taong lumipas.

Tatlong buwan nalang tayo’y magtatapos na.
Ibig-sabihin ba’y paalam na rin alaala?
Di ko alam kung pano ito tanggapin,
Kaya ko kaya pag atin nang haharapin?
 
Kung ano pa man, ako ay masaya
Basta’t sa pag-martsa kayo ang kasama.
Kayo na parte na ng buhay ko
Parteng pinakamasaya sa lahat ng mundo.
 
Ako’y nagpapasalamat pagkat nakilala ko kayo,
Sa buhay ko’y di kayo estranghero.
Sa oras na maghiwalay tayo,
nawa’y  maalala  niyo ako.

Ika-apat na tao’y malapit nang magwakas
Hirap at tagumpay ating pinaghirapan.
Malapit na nating harapin ang sunod na bukas,
Walang limutan ating pakatandaan.


 


Comments

isa sa mga 4A
12/12/2010 1:20am

katouch....:_

Reply

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply