Alam Mo Ba
Kung Saan Tayo
Tutungo
Ilang Gabi
Na Tayong
Nawawala
Halika Na...
Bakas Sa Labi Mo
Pagod
At Uhaw
Hanggang Kailan
Tayo
Maglalakbay

Halika Na
Doon Tayo Matulog Sa Gabi
Hindi Kita Iiwan
Yakapin Mo Ako
Sa Bahay Kubo

Sa Dilim
Huwag Kang Matakot
Matulog Nang Mahimbing
Malapit Na
Bukas
Mamumula Ang Langit

Halika Na
Doon Tayo Matulog Sa Gabi
Hindi Kita Iiwan
Yakapin Mo Ako
Sa Bahay Kubo

(Instrumental)

Halika Na
Doon Tayo Matulog Sa Gabi
Hindi Kita Iiwan
Yakapin Mo Ako
Sa Bahay Kubo

 
Ang ingay ng utak ko.


Muli't muli kong ginugunita ang mga alaalang pilit kong tinatago sa kailaliman ng aking memorya.
Mali ako nang isipin kong kaya ko. Hindi. Mali.

Pilit parin sinisigaw ng utak ko ang hapdi at sakit ng isang pagkawala; ng isang paglisan.
Magugulo na naman ang balanse dahil sa pagsiwalat ko ng aking nararamdaman.

Gusto kong sumigaw sa kaitaasan ng aking hininga.
Gusto kong sumigaw na magbalik ka na.
Ayokong magmakaawa.
Ngunit gusto kong isigaw...




na mahal parin kita.

-Pablo Juan.
 
The return of...

♫ La La La ♫.. :)

Paunti‐unting bumabalik sa normal ang lahat...
Hindi ko minamadali ang proseso ng pagpapagaling...
Thanks sa mga nakaintindi… Mahal ko kayo...
Sa mga may sama parin ng loob sa akin, naiintindihan ko kayo...

Give me time… I still admit and not deny that this was my crime and I'm still responsible for it... :)

Kung may sama parin kayo ng loob sa akin, I will still wait for the right time para ilabas niyo yan...
para pa namang utot yan… masama pag kinimkim at tinago...

sa mga naglabas po ng utot sa akin kanina, hahahah… kilala niyo mga sarili niyo… :) AYLABYU… atleast nalabas niyo na… :)

-Pablo Juan.
 
paghingi ng tawad.

Alam ko hindi naman dapat humantong sa ganung kasasakit na mga salita ang lahat, pero walang mabuting salita ang maipapares para sa mga gawaing mali...

Inaamin ko may mali rin ako... Madaming nasaktan sa lahat ng sinabi ko... Sabihin nating tama ang mga nakalahad ngunit sa maling pamamaraan. Hindi rin ako perpekto at nagkakamali rin. Hindi ko rin ito gagawin para magkamit ng papuri, hindi rin para idolohin. Ito ay aking gagawin dahil ito ay ang tingin kong tama, at inaako ko ang lahat ng responsibilidad sa kilos na aking nagawa.

Ang paghingi ng tawad ay hindi nagtatapos sa salitang "SORRY."
Ang natutunan ko?

Sa mga nasaktan ko, PATAWAD.
NAGKAMALI AKO.
PAANO KO MAITATAMA?
HINDI KO NA MULING UULITIN.
MAPAPATAWAD NIYO BA AKO?

Yun lang. Kaya pa NATING magbago...

Umaasa pa rin ako sa pagbabago.

I am taken responsible for my act.

-Pablo Juan.

    "A little faith can do wonders... A little faith."
    -Bishop Aringarosa, The Da Vinci Code

    Click to set custom HTML

    BABALA...

    Sa parteng ito, inaaasahan ko po ang inyong malawak na pang-unawa, bukas na pag-iisip at matatag na paninindigan. 

    Ang parteng ito ay sampu ng aking mga opinyon, tama man o mali, akin pong pinaninindigan. 

    Wala pa man ay humihingi na po ako ng kapatawaran. Matabil ang aking panulat, masakit ang aking salita. Kung masaktan man kita, oo, ikaw na mambabasa, nawa'y patawarin mo ang aking pagsubok na ipakita ang realidad ng buhay.

    ITO ANG REALIDAD NA AKING KINALAKIHAN AT KATATANDAAN.

    Salamat sa pagbabasa, mabuhay ka, oh mambabasa!


    -Pablo Juan

    Archives

    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    January 2011
    December 2010
    November 2010

    Categories

    All
    Love
    Miss
    Relationships
    Ulan