2010 has been a heavy year for me.
May mga nawala, pero may mga dumating rin.
May mga masasakit, sobrang masasakit na pangyayari at meron din naman sobrang masaya.
All in all, madami parin akong mga bagay na dapat ipagpasalamat kay God.

May nawala, like my bestfriend and the friend of my heart at marame pa...., pero they will still remain in my memory (long-term memory to be specific) forever....
May mga dumating... new friends from college...
at may mga nanatili... old friends from high school...

na-realize ko lang, minsan... kung sino sino pa yung mga nawawala, sila pa yung mga gusto kong pahalagahan... di ko naiisip na may mga taong nandiyan for me at gusto akong pahalagahan... this 2010, naging sarado ang buo kong pagkatao... sinara ko ang pintuan at mga bintana upang makapasok ang mga taong gustong tumulong sakin. alam ko kaya ko namang solusyunan, pero iba parin pala kung may mga taong tumutulong...

this 2011, i won't promise but i'll do my best to give importance to those creatures who can stand not behind me but beside me during the times of stranger tides...
i'll not just give them importance but i'll do best to make them stay with me...

indeed... masakit ang mang-iwan... pero mas masakit ang maiwanan...

FOR ALL THE CREATURES WHO WERE WITH ME THIS 2010, I KNOW YOU KNOW WHO YOU ARE, I LOVE YOU ALL! THANK YOU! YOU'VE BEEN A PART OF MY CRITICAL STAGE.. :)

Kahit sarado ang buo kong pagkatao, pinilit niyo kong intindihin... ngayon, naiintindihan ko na... MARAMING MARAMING SALAMAT...
SA MGA TAONG NANANATILI AT MANANATILING KASAMA AKO HANGGANG SA WAKAS NG PAGLALAKBAY NA ITO, ALAM NIYO KUNG SAAN AKO HAHANAPIN...

AND KAY GOD,
PAPA GOD, THANK YOU PO SA LAHAT... I'M NOT PABLO IF NOT BECAUSE OF YOU... I LOVE YOU... HAPPY BIRTHDAY. :)
Sa mundo, CONGRATS! Nakaabot ka narin sa finish line ng revolution mo... :)

At sayo, na nagbabasa nito... samahan mo ko sa panibagong taon ng kalokohan ng isang PSYCHOTIC. :)

-FIRST BLOG FOR 2011. FELIZ AÑO NUEVO. HAPPY NEW YEAR. MANIGONG BAGONG TAON!

-MR. PSYCHOTIC. Pablo Juan.

 
another coming head start. whew. tiring and fun year.
but, from where will i start? first thing is that...

From where and to where will I go?
i dunno where this track will lead me to... i merely don't know...
it's a great pain in the ass walking in a pitch-dark alleyway knowing not what's gonna happen...

augh...
2010 is nearly over. I'm still a blind in this sea of adventure and yet another year is coming...
better yet, i'll try opening this tiny eyes of mine... and prepare for the forthcoming new adventure.

Indeed. I do not know where will I go, but I'll just go with the flow.
:)
-Pablo Juan
 
ahahahahha... Nabasa ko yung mga terms na yan sa facebook...
pero anu't-anuman... isa lang ibig sabihin niyan eh.

HAPPY BIRTHDAY JESUS, SON TO MARY THROUGH THE INTERVENTION OF THE HOLY SPIRIT. BORN IN BETHLEHEM DIED IN GOLGOTHA. KING OF JEWS, KING OF KINGS. :)

Alam nga natin na kaarawan Niya. Pinagdiriwang nga atin ang araw Niya. Pero alam ba natin ang tunay na kahulugan ng araw na ito?

Sabi ng propesor ko sa teolohiya, hindi naman daw talaga December 25 ang kaarawan ni Hesus. Sinunod lang raw ang kaarawan Niya sa isang Romanong pagdiriwang na tinatawag na Saturnalia, isang pistang alay sa diyos na si Saturn.

Pero hindi iyon ang punto ko sa sanaysay na ito (kung sanaysay ngang maituturing).

Maraming pagkain sa hapag-kainan. Maingay ang kapaligiran. Masaya ang bawat kabahayan. Maraming regalo at busog ang mga tiyan. Tuwing araw ng pasko, bumabait ang lahat. O tuwing panahon ng kapaskuhan tila nagbabago bigla ang bawat isa. Oo. Tuwing Disyembre.

Pero, tama ba ang tradisyong ito? Alam kong parte na ng kultura ng mga Kristiyano Katoliko ang pagdiriwang na ito. Pero tama bang isaisip ng bawat mamamayan na tuwing pasko lang maging mapagbiay? Maging mabait? Maging masaya? Na automatikong dapat maging mabait tuwing pasko? tsk! KALOKOHAN.

Hindi ko binabatikos ang araw kung kailan ipinagdiriwang ang kaarawan ng Diyos. Ang sa akin lang, ANG DECEMBER 25 AY ISANG IMAHINASYON LAMANG. ISANG ARAW AT NUMERONG LIKHA NG TAO.

Nabuhay ang Diyos para lang ipagdiwang sa isang araw? Hindi ba't dapat araw-araw ay ipagdiwang natin ang kaarawan ng Diyos? Na may Diyos? Na may nabuhay na Diyos, katawang tao at ispiritu at namatay para sa lahat ng tao?

Pustahan. Matapos ang pasko o kapanahunan ng pasko ay may patayan na naman. Giyera. Nakawan. Pang-aabuso, at kung anu-ano pang kawalan ng hustisya.

KUNG KRISTIYANO KA, MAAARI KANG SUMALUNGAT SA MGA SINABI KO. PERO ANG SA AKIN LANG, KASAMA NATIN ANG DIYOS HINDI LANG SA ARAW NG PASKO KUNDI ARAW-ARAW. KAYA DAPAT, ARAW-ARAW TAYONG MAGING MABUTI, MAPAGBIGAY, MAPAGMAHAL AT HIGIT SA LAHAT, MAKA-DIYOS.

(maaaring may mga mali sa mga argumentong inilahad ko, kaya ang lahat ng opinyon na nabasa sa itaas ay nasa ilalim ng aking responsibilidad.)

:)
-Pablo Juan.
 
December 17, 2010, Friday- Paskuhan sa UST.
Isa sa pinakamasasayang gabi at madaling araw ng buhay ko.
Kasama ko ang mga kaibigan ko.
Then, out of nowhere, naalala ko yung date kong pangarap bago ko makapasa sa uste:
"magkatabi sana kame sa paskuhan ng uste..."

Pero nung naalala ko yun, hindi ako nalungkot... Bakit??

kase masaya naman na ako kahit wala siya...
ngayon ko lang narealize, masaya naman akong maging single ahh?
kase, may time ako with my friends... silang nandiyan lage... so, bakit ko pa hihilinging matali sa isang tao kung marami namang nanjan para magpasaya sakin?

naisip ko lang....
bakit ba may mga taong gusto laging magkaroon ng bf/gf??? lalo na at pasko...
**oo nga minsan naiisip ko ring tumatakbo ang oras, maaari akong mahuli, pero alam  ko may nakalaang babae para sakin...

kaya ba nila gustong magka-bf/gf para may maipagmayabang sa iba? para masabing 'MERON AKONG KA-AYLABYU SA PASKO'? para may pang-inggit? para may makayakap? may masabihan ng mahal kita? para may ma-receive na text na 'goodmorning babe'? o may makahalikan pag hindi mapigilan ang bugso ng damdamin?
**Oo nga't masarap magkaron ng bf/gf... lalo na kung ganitong mga okasyon... may makakasama ka buong maghapon at magdamag... pero yun ba talaga yung purpose ng pag-involve sa isang relasyon? ang init ng katawan? ang presensya ng isa't-isa? ang sarap ng halikan, yapusan at kung ano pa? ang matatamis na 'i love you'? tingin ko... hindi... (Oh kung may karelasyon ka wag kang defensive... hindi ako psychic pero kung may karelasyon ka alam ko ang isasagot mo...)

Being part of an intimate relation is like having an investment... you do not invest those hugs and kisses that you give, but invest those memories when together... not the sensual thing but the sweet ones (though kissing could be one sweet thing)... not the sweet words but the special thoughts... not the other's presence but the trust..

i know you might be confused with the point that i'm saying... (kase maski ako hindi ko alam ang mga sinasabe ko sa mga oras na to).. pero isa lang naman ang gusto kong sabihin eh....

KUNG SINGLE KA, MAGING MASAYA KA... KASE HINAHANDA PALANG NI GOD YUNG BEST FOR YOU... FOR US RATHER.. ano naman kung hindi ka sinagot ng nililigawan mo? ano naman kung nag-break kayo ng lintik mong boyfriend? ano naman kung hindi mo mahanap yung right one for you??? ano naman kung hindi ka niya mahal? ano kung meron na siyang iba?? PAPAKAMATAY KA? ITITIGIL MO MUNDO MO? MAGPAPAKA-EMO KA?? tsk... ate, kuya... dumaan rin ako jan... hindi ka nag-iisa kung single ka...

ito lang isipin mo... WAG MONG HANAPIN ANG WALA... WAG MONG HANAPIN ANG HINDI MO ALAM KUNG SAAN MAKIKITA... all you need is wait... sabe nga ng friend ko..
''we are all but time travelers, traveling with a speed of 60minutes/hour''....
so what we need to do is to wait until we reach the perfect time to be taken or be taken again...

sa mga sabik  naman jan... sabik magka-bf/gf... eto lang masasabi ko...
indeed... kung magkaron ka man ng bf/gf... MAGBI-BREAK RIN KAYO....
lalo na kung past time lang ang gusto niyo
kahit kailan... walang relasyon ang tumagal sa mabilis na sagutan....

***Masaya ako kasama ang mga kaibigan ko... masaya ako at single ako... susulitin ko na ang pagiging single ko kasama sila... KASI PAG DUMATING ANG ORAS NA MAKITA KO SIYA.. KAMI NAMAN ANG MAGSASAYA... X)

-ang lahat ng mga opinyon sa taas ay opinyon ni Pablo Juan. walang partikular na pinatatamaan. pero kung ikaw ay natamaan ng aking opinyon, for sure... ikaw ang pinapatamaan ko...

-no more lonely nights. Pablo Juan.


 
♪♫♫ika-labing anim ng disyembre,...
ay simula na ng pasko...
simbang gabi, simula ng pasko♪♫♪... waaaaaahhhhhh..

december 2008, ...
nakumpleto  ko simbang gabi nun...
eh diba sabe, pag nakumpleto mo daw yung simbang gabe pwede kang mag-wish???

naaalala ko pa wish ko nun eh...
'sana dumating yung taong magpapasaya at sasama sakin..'
tapos ... nung last day ng simbang gabe,... :' >

aun... matagal na pala syang dumating...
tapos yun...

my fault... nakasakit ako...
ngayon 2010... di ko naumpisahan ung simbang gabe... last year din... kaya siguro sad yung Christmas ko last year,.. and maybe this year.. kase hindi ko na nakumpleto ung simbang gabe... kase hindi na ako nakakapag-wish...
so , hindi parin dadating yung taong yun?? haiii...

kelan ko kaya ulit mabubuo ang simbang gabi?
kelan kaya ulit ako makakapag-wish???
haii...
next year kaya???

-sana. sana. Pablo Juan.
 
Tae. Bakit ganon? Kinukumpleto niya ang araw ko... waaaaaaaaaaaahhhhhhhhh...

natutuwa ako... at...
MASAMA TO... BAKA MAADIK AKO...
so? anung masama...
eh crush ko nga diba?? gets mo?? crush...
C-R-A-S-H...
bugug... nooooo.... parang timang... ahahhaha...

nako talaga... kung sino ka mang babae ka...
wag kang ngumite, naliliwanagan ang araw ko... ahahahha...
wag mo kong batiin, nakukumpleto ang araw ko...
lalong lalong wag... ang tawagin ang pangalan ko...

para kasing sasabog si heart eh... ahahhahahhaha...

sino???
di ko nga rin kilala eh... eh ikaw?? kilala mo ba???  kilala mo ba???pakilala mo naman sakin... ahahahhahaha...toinks... tinatanong ko kung sino sya eh ako nga hindi mo ata kilala.. ahahhahaahhaha isa ulit na BIRO. ^^

oh wag akong dudumugin kinabukasan pag nakita ako... wag na wag ring magtatanong... kase... WALA AKONG ISASAGOT DAHIL IMAGINARY FRIEND KO ANG TINUTUKOY KO... AHAHAAHAHA...

♪♫♪ La la la ♫♫♪
-Isang nakababangag na araw. Pablo Juan.
 
i thank God for giving me creatures like them...
sila na nandiyan para sakin...
silang kumukumpleto sa araw ko...
i can't explicate myself in this post...
basta masaya akong meron akong mga kaibigan tulad nila...

friends who touched my very soul,
friends who neared my heart to them.
wala na akong masabe...

thanks:
TROPANG PAG-IBIG & U.T. PEOPLE ET. AL.,

AYLABYUOL...
KILALA NIYO NA ANG MGA SARILI NIYO, KUNG SINO-SINO KAYO...
BASTA ,

YOU MADE ME SMILE THIS DAY... LABYU OL... n_n

-they touched my very soul, they hugged my very heart, and they'll remain in my very brain.

Pablo Juan.

 
hindi ako nagiilusyon. ako si harry potter ngayong araw na to,...
iyon nga lang maraming wala...

(teka teka, bakit feelingero kang ungas ka? bakit mo feel na ikaw si harry potter?)
kase ganito yun...
like harry....
hindi niya naenjoy ang 17th birthday niya..

ito na ang pinakamalungkot kong birthday.

naramdaman niyo na bang kumain ng spaghetti at cake mag-isa?
eh kantahan ang sarili ng ♫♪happy birthday to me, happy birthday to me, happy birthday happy birthday, happy birthday to me ♪♪♪ kahit na hindi happy?
eh ang lumuha habang nagbabasa ng harry potter kase iniisip mo yung nakaraang birthday mo?

ito yung lagi kong hinihiling na wag maramdaman...
kanina, mag-isa ako sa mesa kumakaen spaghetti...

nahuli ko ang sarili kong kumakanta ng happy birthday song... tapos, pumuntang banyo kase tumulo yung luha ko... ramdam nio ba yung sakit??? emotional killing........................................................................

ngayong araw na ito, physically, ramdam kong marami na ang wala..... i mean, marami na ang nawala.... sobrang marami na......

pero sabi nga sa prose project ng thomasian writers guild kanina, make your own world through lies... to tell the truth... kase sa bawat kasinungalingan, may bahid parin ng katotohanan.....

sobrang sakit man, dapat parin maging positive...
i'm not thinking of things na wala ako ngayon (though naisip ko paring marami na ang nawala).

kahit ganito yung feeling ko, dapat maging masaya parin kase:
at least buhay ako.
at least may tao dito sa bahay nung birthday ko.
at least may bahay ako.
at least pinagluto ako ni mama.
at least may bumati sakin in text, in personal and online.
at least ako nakapagbirthday pa....

whew... marami pang iba...
this is what you call positive psychology.... whew...............
kahit mahirap, i'm doing it..... cause i'm not a psych major for nothing....

sa mga nagbasa nito,
sana kahit gaano kadepressing ng situation, try to count not the losses but the blessings......

napaisip ako ng isang realidad...
na....
kahit ang mahika ni harry potter ay walang nagawa para maging masaya ang 17th birthday niya...

sabe ni hagrid, what will come will come and we will face it when it does....
aun nga,.... dumaitng na ang dapat na dumating....

ang kailangan ko nalang gawin ay harapin tong kalungkutang ito...
ay mali...

hindi lang pala dapat harapin... labanan rin pala....

NOTE: WALANG IBANG NAKAAALAM NG NANGYARE SA AKING KAARAWAN KUNDI AKO, IKAW NA NAGBABASA NITO, AT WEEBLY NA WALA NANG MAGAGAWA SA DIKTA NG KAPALARAN.

-masakit mang sabihin pero eto parin ang hiling ko hanggang sa sunod kong kaarawan... ang '"SANANG MALIGAYANG BATI, PABLO JUAN.

-Pablo Juan, ...n_m
 
mga ate, mga koya....
ganetu lang yan ih...
ahahhaaha (magpakabisaya daw?)

ahahhahaha....
niloloko ko lang sarili ko... ahahhaha

kase mga ate at kuya....
kahit gaano pa kaliit na kadayaan yan, cheating parin yan... PANGONGOPYA PARIN YAN!!!

nako nako.... kahit yung checker yung nagpalit ng sagot mo ate, PANGONGOPYA PARIN YAN!!! SANGKOT KA PARIN JAN! KRIMEN NIYONG DALAWA YAN!

KAYA IKAW... KUNG NANDARAYA, NANGONGOPYA, O NAGPAPALIT KA NG SAGOT BEFORE AND AFTER CHECKING OF TEST PAPER, TAMAAN KANA SANA NG KIDLAT.....

nakakadisappoint kase... YUNG IBA NAGHIHIRAP JUST TO GET ONE POINT TAPOS IKAW/ KAYO MAKAKAKUHA NG GANON GANON NALANG???

OH C'MON...

advice lang...
KUNG NANGOPYA KA SA ISANG TEST... WAG MO NANG IPAGYABANG ANG PASADO MONG SCORE.... OWKEI???

kung nangopya ka at pumasa... SARILININ MO NALANG... KAHIT KALINGGIT MAN LANG NG KAHIHIYAN MAGKAROON sana ikaw/ kayo.. :)

-this day is so full of disap
 
parang kanina lang nakasakay sa fx...
putcha...
parang mga taga-bundok...

"GUSTO KO NG NAMEPLATE! PARA MAKITA NI BOSS!"

hell cares ate!
ayan lang yung kausap mo oh...! ISANG DANGKAL ANG LAYO SA BUNGANGA MO!!! AMP!!! GRRR...

kelangan bang i-gm ang mga walang kwenta niyong usapan???
eh gaga ka pala eh..!!!
sinasaway mo pa yang anak mo na manahimik EH IKAW YANG MAINGAY!!!

BUNGANGERA!
ILUSYUNADA!
HUNG HANG!
TAGA-BUNDOK!
BARBARO!
SAGIGILID!
TIMAWA!

GRRRRRRRRR....

KAYA KAYONG MGA SUMASAKAY SA FX, JEEP, LRT, MRT, O KUNG ANO-ANO PA MANG URI NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN....

PARANG AWA NATING LAHAT... MAHIYA NAMAN TAYO SA IBA... YUNG IBA KASE, PAGOD AT GUSTONG MAGPAHINGA HABANG NASA BIYAHE! MAGING CONCERN NAMAN SANA SA IBA...

KASE HINDI LANG KAYO ANG TAO SA MUNDO... AT ETO...

HELL CARES SA PINAG-UUSAPAN NIYO??? KAYA PAG MAG-UUSAP... PWEDE WAG MAGSIGAWAN KUNG GADANGKAL LANG ANG LAYO NG KAUSAP...!! GRR

-isang nakaiiritang araw... Pablo Juan.

    "A little faith can do wonders... A little faith."
    -Bishop Aringarosa, The Da Vinci Code

    Click to set custom HTML

    BABALA...

    Sa parteng ito, inaaasahan ko po ang inyong malawak na pang-unawa, bukas na pag-iisip at matatag na paninindigan. 

    Ang parteng ito ay sampu ng aking mga opinyon, tama man o mali, akin pong pinaninindigan. 

    Wala pa man ay humihingi na po ako ng kapatawaran. Matabil ang aking panulat, masakit ang aking salita. Kung masaktan man kita, oo, ikaw na mambabasa, nawa'y patawarin mo ang aking pagsubok na ipakita ang realidad ng buhay.

    ITO ANG REALIDAD NA AKING KINALAKIHAN AT KATATANDAAN.

    Salamat sa pagbabasa, mabuhay ka, oh mambabasa!


    -Pablo Juan

    Archives

    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    January 2011
    December 2010
    November 2010

    Categories

    All
    Love
    Miss
    Relationships
    Ulan