Ako ay biktima ng pang-aalipin. Pinanganak akong isang alipin ngunit sinusumpa kong hindi ako mamamatay na isang alipin. Oo. Pang-aalipin. Alipin ng bayan, alipin ng kahirapan, alipin ng kapalaran.

   
Muli’t muli ay naaalala ko si Ginoong Arman, guro ko sa matematika. Sa tuwina’y naaalala ko kung gaano siya kapoot sa kahirapan, kung paano niya kami batukan sa tuwing hindi kami nagseseryoso sa pag-aaral o sa tuwing naglalagpakan ang aming mga marka sa kanyang mga pagsusulit. Si Ginoong Arman – isang taong bakas sa mga mata ang kahindik-hindik na galit sa kahirapang dinulot ng nakaraan. Kung anuman ang mga hirap na iyon ay hindi ko na alam.

   
“Mag-aaral kayo! Mahirap maging mahirap!” Yan ang lagi niyang sinasabi. Oo, ginoo. Mahirap maging mahirap. Hindi sa naniniwala ako sa iyo kundi dahil sa ramdam ko ang kahirapang nilabanan mo noon.

   
Ngayon, unti-unti akong nilalamon ng kahirapan. Pilit na pinag-aaral ng mga magulang sa prestihiyosong paaralan at ginagawa ang lahat upang may maibayad sa matrikula. Uutang ng malaking halaga may maipang-bayad lang.

   
Pag-aaral nga ba ang susi upang makatakas sa nakapinid na pintuan ng kahirapan? Sa panahong ito, hindi ko masagot. Sa tingin ko, napaka-impraktikal na gumastos ng napakalaking halaga para sa huli ay maging tambay at walang trabaho. Ilan nga ba sa ating mga kababayan ang nakapagtapos ng kolehiyo at nagamit ang apat o limang taong pinag-aralan sa kani-kanilang mga trabaho? Ginoo, mukhang ang sinasabi ninyong panlaban sa kahirapan ay isa naring elementong nagpapahirap sa ating bayan.

   
Kung ako lamang ang masusunod, mas gugustuhin kong tumigil sa pag-aaral. Pagod na pagod na akong marinig ang mga hinaing ng aking ama’t ina tungkol sa mga gastusin. Ngunit ano ang aking magagawa? Isa lamang akong estudyante at walang magawa upang magkapera. Kung ako lamang ang masusunod, titigil na ako sa pag-aaral at pipiliing magtrabaho na. Subalit, kung gagawin ko iyon, baka muling bumilis ang andar ang makina ng kahirapan. Sa ngayon, mabagal ang paglamon niya sa akin. Ngunit kung hindi ko lalabanan, baka sa isang kisapmata, malugmok na naman ako sa kumunoy na pilit humihila sa akin paibaba.

   
Sinisisi ng ilan na marami at nagkalat ang mga kriminal at masasamang loob sa ating bansa dahil hindi sila nakapag-aral. Walang marangal na trabaho dahil walang nakamit na diploma o di kaya’y mga papeles na nagsasabing sila ay nakapag-aral. At dahil sa walang trabaho,  nakapanlalamang sa kapwa upang masolusyunan ang kumakalam na tiyan. Pagkatapos? Magpapatuloy lang kadena ng kahirapan.

   
Kung ang isang edukada nga sa gobyerno ay nagagawang makapanlinlang sa buong bayan, ano pa kaya ang isang mangmang na ang tanging ninais ay makakain kahit isang beses sa isang araw? Sa anong punto sa kadena napuputol at nawawasak ang kahirapan? Hindi ko alam.

   
Ngunit kung ibabase ang sagot sa nangyari kay Ginoong Arman, marahil pagsisikap at edukasyon ang nararapat na sagot.

   
Noong mga nakaraang buwan ay nagpapaalam ako sa aking mga kaibigan dahil pinili kong huminto sa pag-aaral. Ngunit, magpapatuloy daw ako sabi ng aking ama. Ang kapalit? Isang lubos na paghihirap upang makahanap ng pera. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikitang pagod ang aking ama mula sa pagmamaneho ng traysikel o di kaya sa hirap ng aking ina sa pagluluto at pagtitinda ng pagkain. Hindi ko maipaliwanag ang kagustuhang tulungan sila. Sinubukan ko na ang lahat ng paraan upang mapagaan ang kanilang paghihirap, ngunit sabi nila, tanging pag-aaral lang ang aking magagawa.

   
Kaya ikaw na nagbabasa nito, kung mayaman ka man at kaya ng mga magulang mo na pag-aralin ka, mag-aral ka ng mabuti. Wag mong isipin na dahil sa mayaman naman kayo ay pwede mo nang balewalain ang paghihirap nila.

   
Kung ikaw naman ay tulad ko, magsumikap ka! Pasalamatan at lubusang mahalin ang iyong ama’t ina. Hindi madaling makita na naghihirap ang iyong mga magulang. Sa huli, may patutunguhan rin ang lahat ng paghihirap. Wag mong sayangin ang pagkakataon sa halip, maging bukas sa lahat ng oportunidad upang matuto. Mabuhay kayo, oh estudyanteng nagsusumikap!

   
Mga kapwa ko mag-aaral, sana ay alam nating lahat ang tunay na layunin kung bakit tayo nagtitiyagang pumasok sa paaralan. Tayo ay hindi pumapasok dahil sa perang ipinapabaon sa atin ng ating mga ina sa halip tayo ay pumapasok dahil sa mga aral na ipapabaon sa atin ng paaralan. Tayo ay pumapasok hindi para makipagdaldalan sa halip tayo ay pumapasok upang magbahagi ng nalalaman sa klase. Tayo ay hindi rin pumpasok dahil sa gusto ng ating mga magulang na mag-aral tayo sa halip tayo ay pumapasok dahil ating pinapahalagahan hindi lamang ang kanilang pagsisikap pati narin ang kanilang pagpapahalaga sa edukasyon.

   
Mahirap mag-aral lalo na kung maraming iniisip na problema. Ngunit, ang edukasyon ay isang paglalakbay tungo sa kastilyo ng kahirapan. Ang edukasyon ay isang paghahanda sa giyera laban sa kahirapan at habang naghahanda, laging isipin na dapat ikaw ay nagsasaya. Walang saysay ang lahat kung hindi mo gusto ang iyong ginagawa. Walang saysay ang paglaban sa kahirapan kung ang sarili mo mismo ang iyong kalaban.

Ako ay alipin ng kahirapan, ngunit hindi panghabangbuhay na ako’y isang alipin.






-Pablo Juan

 
ANNOYING:
" UI PA-LIKE NAMAN NG STATUS KO."
" UI PA-LIKE NAMAN! PROJECT NAMEN.. SIGE NAA.."
" UI TIGNAN MO DP KO, CUTE NO? I-LIKE MO NAMAN."
" LIKE KO YUNG DP MO. I-LIKE MO RIN DP KO. DALII."
"PA-LIKE NG PICS. T.Y."
" PALIKE PO PLEAAASEEE!!! .." (AFTER 2 MINUTES, KAGROUP NAMAN YUNG MAGPAPALIKE).
      "KUYA PA-LIKE PO... REQUIREMENT LANG PO PARA SA ISANG SUBJECT."

WORSE:
"KUYA PWEDE FAVOR? PA-LIKE NAMAN NITO (GIVES THE FIRST LINK)... THEN ITO (GIVES THE 2ND LINK)... [sometimes]... TAPOS PAG NA-LIKE NIYO NA, ITO NAMAN... BLAHBLAHBLAH..."

WORST:
"[tulad rin ng worse pero may pahabol]... TAPOS AFTER MONG I-LIKE, PAKI-SHARE NAMAN SA IBA...PLEEEAASSSEEE .... THAAAAANKSSS.. "


wth!
BOTTOMLINE:

     ANONG USE NG LIKE BUTTON KUNG ISA-SUGGEST MO LANG RIN NAMAN NA I-LIKE NG IBA YUNG PIC, DP, STATUS, ETC. MO? okay pa sana kung sinuggest mo nga yung item... BUT TO BADGER AND ANNOY A PERSON JUST TO LIKE YOUR SHIT IS SOMETING IRRITATING.

     Nakakirita yung mga vain na sobrang magsesend pa ng personal/instant messages sa buong friendlist niya para lang i-like yung lintik at jejeng picture. Nakakabwisit yung MGA PAPANSIN AT TODO EFFORT SA PAG-POSE SA MGA PICS NILA AT IPAPA-LIKE SA IBA... HINDI NAMAN KALIKE-LIKE. (disclaimer: VAIN AKO AT TIMES PERO ALAM KO ANG LIMITATIONS NG AKING VANITY.. AND TAKE NOTE... HINDI AKO NAGPAPA-LIKE NG PICS. EW.)

     NAKAKAWASAK NG SOCIAL NETWORKING LIFE YUNG MGA PROFESSOR/TEACHER/ INSTRUCTORS NA NAGPAPAGAWA NG MUSIC VIDEO/ COLLAGE/ VIRTUAL ASSIGNMENTS, ETC SA MGA ESTUDYANTE NILA AT PA-KONTESAN SA PARAMIHAN NG LIKES!!! Sobrang nakakairita! Lumubog na sa lupa ang hindi pa naka-encounter ng mga katagang, " UI PA-LIKE NAMAN! PROJECT KASE NAMEN... blah blah blah.."
     Tolerable pa yung effort ng ISANG student sa paghingi ng tulong sa mga friends nila para sa project , etc na yan. BUT.. Imagine kung group project yan... at friends mo lahat ng members ng group na yan.. at ni-like mo na yung item.. at yung isa pang ka-group magppm.. magpapalike.. then yung isa pa.. at yung isa pa... EH NA-LIKE MO NA NGA EHHH... UNLIMITED LIKE? O.O WTF..
     I know sinasabe mo ngayon na, "hindi naman nila kasalanan na hindi nila alam na na-like mo na," ANG KINAIIRITA KO LANG EH ANONG LESSON ANG MATUTUTUNAN NG MGA ESTUDYANTE SA PAGPAPALIKE NG GINAWA NILANG PROJECT? SANA NAMAN.. BAGO MAGBIGAY NG MGA GANYANG PROJECT YUNG MGA TEACHERS EH ISIPIN MUNA NILA KUNG MAY BENEFITS YUNG PAGPAPA-LIKE NA GAGAWIN NG MGA ESTUDYANTE... Pano kung walang computer or internet yung isang ka-group? Lalabas pa para magrent sa pc shop? Hassle. Madaming distraction sa networld. tsss.. ISIP! ISIP!! Hindi rin objective yung goal na magkaron ng pinakamaraming likes.. EH PANO KUNG SUPER FRIENDLY YUNG STUDENT PERO PANGIT YUNG WORK NIYA? PANO KUNG ONTI LANG FRIENDS NUNG IBA? OH GAWD...

     Last. For me, there're a lot of times that the essence of a thing simply vanishes as time and popularity go on. We are always fascinated by the uses of things that sometimes we tend to forget the limits of their use. 'LIKE BUTTONS' are supposed to be buttons to be clicked when one is amazed, fascinated, happy etc about a link, page, status, or a picture -- a button to be clicked when one really, consciously and willingly liked it. It sounds absurd to like a thing which in reality you didn't like... or in reality you didn't care at all... uninterested... or we can say that you just liked it because he's your friend, or because it's his project, or because it's a requirement... Hell cares for whatever reason! Good thing that no professor of mine has asked those things yet... SO FAR...

     Because if one would dare to ask us to ask people to like something in facebook, I wouldn't hesitate to stand and prove the integrity of what I've said. In the first place, who would want to cause the irritation of others?


-Pablo Juan

 
"I am legend. Death has no claim over me, illness cannot touch me. Look at me now and it would be hard to put an age upon me, and yet I was born in the Year of Our Lord 1330, more than six hundred and seventy years ago.

I have been many things in my time: a physician and a cook, a bookseller and a soldier, a teacher of languages and chemistry, both an oficer of the law and a thief."
-Nicholas Flamel, The Secrets of The Immortal by Michael Scott

----------------------------------------------------------------------------
      Another year is added to my continuously increasing age. I do age. I am human. But I'm not Nick who is human but doesn't age.I envy him. Not because he doesn't age but because of the seemingly great experience of the world.

     I'm talking as if this fiction is true. But yes, in my unique world, finctions do exist. They are a part of my whole being.Magical and seemingly-unbelievable creatures of imaginations inspire me. They play a great deal in my 18 years of existence.

     I am Paul. You knew me all along as Pablo Juan. My beliefs, my scandals, my opinions, my frustrated art, my narcissistic works... My fears, my hopes and a couple of my dreams are not secrets to those who read this good-for-nothing-blog (this is not false modesty if you call it in social psychology. This is my opinion of the whole lot of this crap).

     I am not legend and as my destiny, like all others, death has claim over me. It's easy to put an age upon me and describe how an eighteen-year-old college boy looked like. I wasn't born yesterday. I was born in the 90's and that time was far away greater than that of our time today.

     For those who didn't know, what I fear the most is the fact that I do age - that I celebrate a day for my birth..
Yes, indeed. I fear my birthday. An irrational fear of accepting that there's such a day that I celebrate the day when I get freed from my mom's womb. Google says this irrational fear or phobia of celebrating a birthday, or someone wishing him/her happy birthday is called as the fragapanephobia. Hell cares for what it is called. But really, I fear it.

God knows why, but I just can't explain the whole lot of it.

Eighteen years have passed and maybe it is time for a couple of self assessment.

     In the eighteen years of existence, what have become of me?

     As what I've said, I am not Nicholas Flamel. I was never a physician nor a cook; not a bookseller, a soldier, not a teacher of any subject, and never an officer of law... But I am a thief of my own recall. As of this very moment, the only thing I know that have become of me is that
 I am still what I am in the past. Stagnant. I'm still the student who condemns a little of what has become of our society's system.

     It's hard to pinpoint which of the experiences I have had had caused a change in the whole of me... As of the moment, I can't think of a thing that caused something in me.

Can you? Can you give me an idea?

     Anyway, as I've been saying, it always makes me sad whenever I recall my past regarding birthdays...
In the past years that I've celebrated my day, smiles and happiness were not genuine. It's the mask that I've always worn. For me, celebrations are another occasion to recall the painful memories.

     Wondering why I'm like this? Why I never liked celebrating my birth? Though mom would always insist?

    It is always that at the end of the day, someone important leaves... some relationship ends... and something happens that would go to an open ended story. Always, at the end of the day, I'm left alon. I hate this. I am a psychology major yet I don't know how to handle depression. I am a psychology major, I study personality, behavior, depression, etc. yet I do not how to move on. I do not know how to pass through this yearly dilemma. I do not know how to overcome this irrational fear that I have. I don't know what to do.

 
     I feel helples whenever voices in my mind keep on doing rebuttals. My phobic side would always insist that I must not hope for birthday wishes.. (cause there's always a part of me that expects a greeting from someone important/special to me)..

     On the far end on my mind, another voice would still hope for that someone to greet me in the very least way that that voice could think of.

     And at the end of the day, the second voice would get disappointed and my phobic voice would be strengthened.. I hate what I am when it's my birthday.

     Say it unusual but there's a bit of me that's different in most people... As of this moment, my heart is heavy. Memories still fight for freedom in my preconscious... All I need is to express this repressed negative energies.How? That I do not know.

For you who's been reading this long crap of emotions, thank you. For you who's greeted me in the least way you can, thank you. No one has sang me a happy birthday but the second voice in my mind is still fighting the other. I'll just get disappointed says the first.

(wtf! I'm speaking rubbish. I'm crying now. As what I've said, one part of my mind wanted to sing, another is fighting the thought.


For you who stood with me until this very day, thank you.


For linguists/grammar checkers/ copyreaders/proofreaders, forgive me for how I constructed my thoughts.

Before, I thought and believed that writing through blogs or online notes can be a way of self expression.. But it's a no-no. I was wrong. I have just realized that there are things that you can express through blogs, but there's a point of emotion that's left hanging and is better if spoken to a friend.

I am not the Legendary Nicholas Flamel. I have not experienced what he experienced in the world of imagination.


But I am Paul. And I will see to it that in the nearest future, I would live life to the fullest of its extent to experience the reality of my imagination.

I am not six-hundred and seventy years old, I have just turned eighteen but I will see to it that I will bring my 18 years of learning and experience until the very end; adjust to further learning. And in one point of my future, I'll see to it that someone young would learn
from me.

It's not the end.. It's just another start..


FOR YOU WHO HAVE BEEN THERE SINCE THE DAY OUR TIMES CROSSED, I THANK YOU..
YOU KNOW WHO YOU ARE. (my end part is out of rhyme with the body.. haha)


To God, Thank you for helping me live until this very day. Thank you for all the blessings you have given me and my family. You know how much I love you. Thank you for everything.

To my family, I love you. For the patience and the love, thank you. After all the struggles and pains, I know in the end, we'll still be whatwe aspire of becoming in the future. A little more patience.. a little more patience.

To my friends (childhood, gradeschool, highschool, college, and best of friends), I don't know what to say. Forgive me for the things I've
done not wise, thank you for things you all have done to me. For the lessons, from the pains of failures and the joys of success, from the swings of love
and break-ups, I thank you all... I may not be there in the times when you needed a friend, but this I say that I'll be there as long as I can.

FOR ALL OF YOU WHO INSPIRED AND INSPIRES ME STILL, FICTIONAL/NON-FICTIONAL CHARACTERS, LIVING AND NON-LIVING,
LABYOOO ALL.. :)

Until the next part of our lives.. see you all in the nearest future..



-Pablo Juan.









_
 
"The role of the teacher is to teach. The role of the students is to learn."   -idon'tthinkimustnamethis

-True?

          Well, in my experience, the statement is not absolutely true. Let me just put this in my simplest terms (as if kaya kong paikliin ang mga sentimiento ko? harhar :|)
          Yeah right. Teachers teach for us to learn. And a teacher of mine once said that if we fail to learn, then it is still our responsibility to do our 'duties' - and that is to learn what we should learn (magulo? ah ewan.) Yeah I do get his point. PERO...
          PAANO kung hindi talaga nagtuturo ang ating mga guro? May dapat ba tayong matutunan? Mula sa statement, mukhang dapat meron parin. Aking ita-translate (sana tama ang pagkakaintindi ko sa mga ito):

          Kung nabigo kayong matuto, edi responsibilidad niyo paring gawin ang inyong 'tungkulin' - at iyon ay ang matutunan parin ang dapat ninyong matutunan.

Teka teka. Parang nung elementary ako hindi ganito ahh. Parang nung high school rin ako hindi ganito ahh.
Naiintindihan kong hindi na ako bata para isubo sa akin ang mga 'dapat' kong matutunan.
Pero hindi naman ata tamang pati ang tungkulin ng mga guro ay kami na ang gumawa?
Para naring sinabi na, "Whether I teach or not, you should learn what you should learn".          


edi sana pala nag-self study nalang kame. hindi na kame nag-enrol sa isang pamantasan.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang punto ko sa parteng ito.
Pero naisip ko lang
Paano nga kung ganito ang pag-iisip ng lahat ng mga guro, instruktor, o ng mga propesor?

Ang tangi kong alam, wala akong natutunan sa asignaturang tinuturo 
ng taong nagsabi ng mga katagang yon.


-Pablo Juan
 





oo magsusulat ulit ako ng mga nararamdaman ko.
siguro hindi nga lang ngayon...
pero kung dinadalaw mo parin tong pahinang ito..
salamat. :)


malapit mo na uling marinig ang tinig ni Pablo Juan.



onting saglit nalang. onting saglit nalang.


-Pablo Juan
 
     Indeed it was, and will always be...  It was the most beautiful night life has given me so far. Just imagine the feeling when the one you wanted to be with the most is with you -- the one you had not seen for weeks, months and or even ages.
       Habang tumatagal, mas lalo kong naiintindihan kung sino at ano siya sa buhay ko. Kung ano ang halaga niya sa buong pagkatao ko. Hindi siya nagbago. Siya parin yung taong minahal ko... minamahal... at mamahaling muli. Siya parin. Siya parin at wala nang iba.
      Siya lang sa lahat ang may karapatang tawagin ako sa buo kong pangalan pag wala na ako sa sarili ko. Siya lang rin yung madalas kong napagsasabihan ng kung anu-ano. Siya lang ata yung nakakakilala sa buong ako? Sa masayang ako? Sa malungkot, may iniisip, may problema at may kalokohang ako? Di ko sigurado... Pero, alam kaya niya na mas buo ako pag nandiyan siya?
     Kanina pa ako siya ng siya (eh sa siya lang naman kase mukhang bibig ko sa oras na ito)... hindi parin ako makaget-over sa mga naganap. Totoo ba? Totoo ba talagang kasama ko siya kagabe? Nakita? Naamoy at nahawakan? Totoo ba? Kurutin niyo nga ako... Pero kung nananaginip man, gisingin niyo na agad... ayoko to maganap sa panaginip. Gusto ko sa realidad..(hello? subconscious ka ba? REALIDAD TO! ). Hindi niya lang alam kung gaano niya ako pinasaya kagabi.
     Isipin lang siya e nangingiti na ako. Isipin lang siya e inspired na ako... eh ano pa ngayo't nakasama ko pa siya? Sobrang na-miss ko siya... Sobrang na-miss ko siya...
     Maraming nagtataka at nagtatanong kung sino daw siya... kung bakit daw siya nandoon sa party... kung bakit ko daw siya sinama... kung anong meron samin... kung kami ba... kung bakit ganito, kung bakit ganyan... at kung anu-ano pa... maraming tanong. Sobrang maraming tanong kagabi. Sobrang maraming tanong na hindi ko na alam kung paano sagutin.
     "Friends lang kami..."."Special friend ko siya". Gumulo ata? O pinagulo ko? Ahh ewan... Bakit ko siya niyaya? Bakit niya sinagot? Ahh ewan.. basta ang alam ko.. Masaya ako kagabe. Masaya ata siya kagabe. Oo. Hindi kami. Pero gaya ng paulit-ulit ko nang sinabe, hindi kailangan ng isang relasyon para maging concern ka sa isang tao; para mahalin mo siya; para alagaan at arugain. Eh kailan daw ba kase magiging ganun na yung estado namin? Andame na talagang tanong.
     Oo nga't mahal ko siya. Alam ata ng buong block ko yun. Pero hindi ata nila alam na hindi ko pa sinasabi sa kanya yun. (Eh bakit hindi mo pa sabihin para gogogo na sa next level?) Bakita nga ba hindi pa? Isa lang rason ko jan. Isa na mag-uugat sa maraming rason. Hindi ko pa kayang patunayan na mahal ko siya o pwede ring hindi ko pa nahahanap yung nawawala kong sarili o pwede ring hindi ko pa talaga kilala yung sarili ko. Ahh ewan... hindi lang pala isa yung rason... andami rin pala nila... hindi ako lasing pero hindi ko na ata alam ang mga sinasabe ko..
     Balik nga tayo sa isyu... Masaya ako dahil nakasama ko siya. Nung gabi rin iyon, biglang tinugtog yung kanta ko para sa kanya... Prinsesa...  Tumigil ang lahat. Pinagmasdam ko lang yung Prinsesa ko. Siya parin ang babaeng minahal ko. Matagal ko ring hinanap-hanap yung boses niya. Yung ngiti niya. Yung mata, salamin, buhok... lahat... Sobrang na-miss ko siya. Pero sa huli, umaasa parin ako na ganun rin siya sakin...

     Umaawit na naman akong muli, hindi dahil sa nabubuhay ako... kundi dahil nagmamahal ako.
 
pagkatapos ng lahat lahat...
limang taon na ata?
hanggang ngayon... hindi ko parin nasasabi ang magic word.

♪♪♪Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok. 
Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaeng nandoon, wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sayo. ♪♫ ( mas maganda sana kung 'sa kanya' yung 'sayo'..[nangingialam?] )

baket nga ba?


hindi sa torpe ako, o mabagal ako, o kung ano pa mang sabihin mo...
gusto ko lang na sa araw na iyon, wala ng ibang problema... 





kung alam niyo lang yung problema ko ngayon... haha... isang problemang matatanda lang ang namomroblema...

siya lang ata pinagsabihan ko nito... sa sunod na sulat ko na lamang ilalathala...





marami na ang nawala... inuulit ko na naman ang mga salitang  yan... marami na ang nawala...



hindi ko na alam kung ano ako para sa kanya... 
ni hindi ko narin alam kung matatanggap pa niya ako sa sunod na pagkakataon..


madalas ko na rin ata siyang nasasaktan dahil sa hindi ko pag-amin? o ako lang ang nag-iilusyon nun?


hindi ko pa maayos ang aking panulat ngayong unang araw ng Agosto... basta ang tanging alam ko,




gusto kong humingi ng tawad sa taong mahal ko.



♫ Wala man akong pag-aari'y pangako kong habang buhay kitang, pagsisilbihan, oh aking Prinsesa.. ♪♫


--her dauphin? no.
Pablo Juan
 
dalawang linggo palang ang nagdaan pero parang ilang buwan na ang nakalipas.
sa dalawang linggo na yon, sobrang dame na ang nangyare...

sooooobraaang dameee..

kita mo nga, ngayon lang ako ulit nakapagsulat...

di na kame madalas makapag-usap.
sobang miss ko na siya.
may salamin narin ako tulad niya.
mukhang nerd nako.
nerd.
nerd.
nerd.

oo nga't mas nag-aaral na ko ngayon kesa date, pero hindi ako nerd. (defensive?) hahahaha...
ang sarap pag-aralan ng mga subjects ko ngayon. sabe nga sa philosophy of hedonism, 'THERE'S NO PLEASURE IN STUDYING.' but i say it other way round.

alam mo yung nag-aaral ka pero masaya ka? yung parang walang hirap? kahit sa pagko-compute ng kaek-ekan ng chem?? alam mo yun? yung feeling ng inspired? yung nakangite habang nakikinig ng lesson? alam mo yun? alam mo yun?

dalawang linggo palang yung nagdaan pero parang ilang buwan na ang nakalipas.

habang dumadaan ang panahon, mas lalo kong napagtatanto kung bakit ko kinuha ang kursong sikolohiya. Tama ang propesor ko sa teorya ng personalidad nang sabihin niyang, 'you are in psych because you simply love people.' oo. mahal ko nga ang lahi ng tao. ang kilos, gawi, pag-iisip, at lahat ng meron ang isang tao. alam mo yung pakiramdam na hinahanap-hanap mo yung pagkatuto? yung sobrang gusto mong sunod na araw agad para matuto ka? yun ang nararamdaman ko ngayon.

mas lalo pang nag-alab ang kagustuhan kong matuto nang sabihin ng propesor ko na hindi man daw masagot ng sikolohiya ang lahat ng mga katanungang hinahanap namin, ay siguradong karamihan sa mga ito ay masasagot at maiintindihan namin sa nalalapit na takdang panahon.

dalawang linggo palang ang nagdaan pero parang ilang buwan na ang nakalipas.

marami na akong natutunan sa dalawang linggong iyon, ngunit sigurado akong mas marami pa ang nakaambang dapat kong matutunan.


hanggang sa muli,

Pablo Juan
 
Ito na yun eh.
Masasabi ko na sa kanya ang lahat...

pero..
pero..

mukhang epal talaga tong tadhanang to.
Di ko alam kung bakit ganito yung binibigay sakin ng tadhana.

Mahal ko siya.
Alam yun ng lahat.
Sobrang mahal ko siya.
Siya na nga lang ata ang hindi nakakaalam e.

Pero sa tuwing aaminin ko na...
eepal ang lahat ng dark forces, death eaters, time at kung sino-sino at anu-ano pa..

Siguro kung nabasa at nalaman na niya ang lahat lahat na laman at gusto kong sabihin sa kanya sa blog na ito,
malamang sa malamang... hindi ko na naman nasabi sa kanya ang lahat ng harapan.....

natanong ang lahat..
nakwento ang lahat..
naamin ang lahat..

Di ko alam kung tama bang ipaalam sa kanya ang mga ito nang hindi siya hinaharap.

Pangarap kong sabihin sa kanya ng harapan kung gano ko siya kamahal...
Pangarap ko yun...


pangarap ko yun...

whew...


-Pablo Juan
 
Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok
Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaing nandoon
Wala pang isang minuto
Nahulog na ang loob ko sa 'yo.

Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana'y mahawakan ko ang palad mo

Gusto ko sanang lumapit
Kung di lang sa lalaking kayakap mo.

Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan

O aking prinsesa ha-a-ah, prinsesa
Prinsesa, prinsesa.

Di ako makatulog
Naisip ko ang ningning ng yong mata
Nasa isip kita buong umaga buong magdamag
Sana'y parati kang tanaw
O ang sakit isipin ito'y isang panaginip
Panaginip lang.

    "A little faith can do wonders... A little faith."
    -Bishop Aringarosa, The Da Vinci Code

    Click to set custom HTML

    BABALA...

    Sa parteng ito, inaaasahan ko po ang inyong malawak na pang-unawa, bukas na pag-iisip at matatag na paninindigan. 

    Ang parteng ito ay sampu ng aking mga opinyon, tama man o mali, akin pong pinaninindigan. 

    Wala pa man ay humihingi na po ako ng kapatawaran. Matabil ang aking panulat, masakit ang aking salita. Kung masaktan man kita, oo, ikaw na mambabasa, nawa'y patawarin mo ang aking pagsubok na ipakita ang realidad ng buhay.

    ITO ANG REALIDAD NA AKING KINALAKIHAN AT KATATANDAAN.

    Salamat sa pagbabasa, mabuhay ka, oh mambabasa!


    -Pablo Juan

    Archives

    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    January 2011
    December 2010
    November 2010

    Categories

    All
    Love
    Miss
    Relationships
    Ulan