Author's note: This post was done assuming all of its readers are not aware who the blogger was. :)) (SUS!)


1. Gumawa ako ng blog para maglabas ng hinanakit, kase most often than not, wala akong makausap tungkol sa mga bagay-bagay. Minsan ko naring pinangarap na paiyakin ang mundo gamit ang isang akdang susulatin ko.

2. Pagsulat at pagbabasa ang super bestfriends ko. Lalo na pag nasa bahay at pag bakasyon. (Kulang nalang mapanis ang laway ko kase nga walang kadaldalan.)

3. Eight years old ako nung una akong magsulat ng isang kwento. Actually para siyang novel kase sobrang haba.. about sa isang batang fairy at sa friend niyang bear. Kaso di ko na makita yung buong notebook na pinagsulatan ko.

4. Grade 4 ako nun nung na-realize ko na sobrang halaga ng pagbabasa. I have hated reading before that time. Ever since pinahiya ako ng English teacher ko dahil di ko naintindihan yung kwento ng "The Girl of Ukraine", sobrang nagbasa ko at tinry na pagbuthin yung reading comprehension.

5. I love teaching though.. In some corners of my mind, I have dreamed of becoming a professor. Sabi nga nung Values Education teacher ko nung yr 4, "Teaching is the only profession that teaches other profession."

6. I loved sharing.. not money nor food... not even material things... I love sharing my ideas and knowledge about life...

7. Grade 6 ako nung una akong magkaron ng 'puppy love'... not until yr 1 na na-realize kong puppy love is not love at all.. so why call puppy love?

8. Nung 1st year HS ako, pangarap kong maging chef. Gusto ko kasing tumaba. Ever since, hindi ko pa nakitang mataba ang sarili ko.

9. Second year ako unang nagkaron ng heartbreak. >:) Since then paulit ulit nang nawasak at nabuo ang puso ko.

10. Nun ko lang rin narealize na yung ultimate crush ko nung 1st year yung taong sobrang mahal ko.

11. February 14, out of peer pressure, nagkaroon ako ng girl friend na nagtagal ng apat... APAT NA ARAW..

12. Second year din ako nun nung una akong ma-turn down. Di naman ako manliligaw non, pero nung magtatapat ako sa ultimate crush ko na mahal ko siya, nagtapat rin siyang may boyfriend na siya.

13. Number 13. Thirteen yung date non (4th year) nung tuluyan na kong i-give up yung pagmamahal ko sa babaeng ito... Nun rin kase siya nagtapat na hindi na kame pwede...

14. Sinubukan kong gawan ng caricature yung babaeng mahal ko nung 2nd year. Dinrawing ko siya sa maliit na piraso ng illustration board... okay naman... sa sobrang kaadikan ko sa kanya, tinago ko yun tapos pinangalanan ng Lollipop. Tanging inspirasyon ko kase may bf na siya nun eh.

15. Nung nalaman niya yung tungkol kay Lollipop, wala na kong nagawa kundi 'ipahiram' kunwari. You know what? Yung drawing na yun yung batayan ko ng kaadikan sa kanya eh... sabi ko pa, "as long as alam kong buhay pa si Lollipop, siya lang mamahalin ko."

16. Eh nung nag-away kame, just as before college started, tinanong niya kung nasakin daw ba si Lollipop. Eh nung araw sa number 13 binigay ko si Lollipop sa kanya... sa sobrang bitter ko sinabe ko, "kung nasakin man si Lollipop, siguradong itatapon ko narin yon.."... so ngayon, hindi ko alam kung buhay pa ba si Lollipop.

17. "This is a Happy Song" by Hale yung kantang gusto kong iparinig sa kanya date nung gusto kong sabihing mahal ko siya.

18. She has never heard me saying 'I love you.' Not even once.

19. Sa lahat ng mga nangyare, siya parin yung babaeng mahal ko.

20. Nakasakit na ako ng isang babae na sobrang pinagsisisihan ko.

21. I have FRAGEPANE PHOBIA. I have this irrational fear of my birthday being noticed, acknowledge or celebrated. Siguro kase tuwing birthday ko, di ako masaya.

22. Tuwing Valentine's, may pinapagawa laging letter yung mga english teachers sa school namen para ibigay sa mga mahal nila. Nung 4th yr, di ko binigay at tinago ko yung Valentine's card ko para sa taong mahal ko.

23. Umiyak ako nung first time kong marinig yung kantang "Magpakailanan" by Rocksteddy.

24. Prinsesa yung tawag ko sa babaeng mahal ko. Nung unang nasaktan ako dahil sa kanya, yung kantang "Prinsesa" ng 6cyclemind yung buong araw at gabi kong pinapatugtog...

25. I have a lot of friends and best friends. Most of which ay mga nakaaway ko ng wagas. :)) Dalawang section sila, at ako lang yung nakakapasok sa dalawang section na yun na parang taga dun ako... Sa section A ako napunta, star section palage, pero hindi alam ng karamihan na pangarap kong mapunta sa section B.... I have inferiority complex you know, mabilis akong ma-intimidate pag bumagsak. Eh sa A nga ko napunta. Pero welcome parin ako sa B.. Tuwing Org. Chem nga extra lessons ako sa B eh.. kaya simula non, kilala ako bilang tanging estudyante ng section AB... :))

26. Chemistry is my most ever duper favorite subject. Nung 2nd year ako, Basic Chem yung science elective na subject namen... matandang babae yung teacher.... EH NUNG 3RD YEAR, isang magandang teacher yung nagtuturo samen ng General Inorganic Chem kaya nakaka-inspire mag-aral..(3 years yung subject na chem sa school na pinasukan ko.) Siya rin yung teacher namen sa Organic Chem nung 4th year. Once, pinangarap kong kunin bilang course yung Chemical engineering.

27. Yun nga lang, nagkaron ako ng friend issues nung 4th year... super emo ko nun... feeling ko kase non ayoko sa section na napasukan ko kaya parang gusto ko sa kabilang section, which is section B. Since then, na-realize kong gusto kong pag-aralan ang tao... yung personality nila, yung behavior, ganon.. kayo eto... bumagsak ako sa psychology... and as of the very moment, mahal na mahal ko.. :))

28. As you can see, pangarap ko ring maging writer. Nung 3rd year, inspired ako sa Journalism teacher ko kaya parang gusto kong mag-ComArts or AB Journ... but psych prevailed. They say I'm fearless in my opinions, which is true, but they didn't know that those opinions that I have written are the same opinions that I can't say in front of the public.

29.  Pinangako ko sa sarili ko na, kung saka-sakaling hindi talaga kame ng babaeng mahal ko para sa isa't-isa sa kasalukuyang panahon, susubukan kong magbalik sa tamang panahon at harapin siya. Panahon kung saan at kailan may maipagmamalaki na ako sa kanya. Tulad ng nakaraang post, pinangakuan ko siya ng isang melon ice cream.. kung hindi man ngayon, marahil sa tamang panahon ko nalang tutupdin.

30. Sabi ko nga, pangarap kong maglathala ng isang aklat. Aklat na kung saan ibabahagi ko yung munting kwento ng buhay ko. Sa ngayon, paulit-ulit ko parin siyang sinusulat. Pinag-aaralan at patuloy na pinagtiya-tiyagaan.


Salamat kung natapos mong basahin to. Pero katiting lang to sa kwento ng buhay ko. Maaaring sabihin mo, "ANO NAMANG PAKIALAM KO SA BUHAY NI PABLO JUAN?"....

Ang masasabi ko lang,
Teaching is the only profession wherein you can know something about life... and sharing is teaching...

inalok lang kitang basahin, hindi kita pinilit. Salamat sa pagbabasa. :)



Sa uulitin,
-Pablo Juan


 
♫ Paulit-ulit man, di ka pagsasawaan. ♫

Di ko na alam. Di ko na talaga alam.
Di ko alam kung anong dapat maramdam. Di ko alam kung anong dapat gawin.
Di ko alam kung sinong dapat lapitan. Di ko alam kung sinong dapat pagsabihan.
Di ko alam kung bakit ganito. Di ko alam kung bakit nagkaganito.
Di ko alam kung anong mangyayare. Di ko alam kung bakit to nangyayare.
Di ko rin alam kung panong lahat na ito ay nangyare.

Di naman ganito kahirap dati eh..
Ngayon, sobrang hirap na.
Hay di ko na talaga alam.

I know reading this will make you know nothing...
I just really don't know what
 
     Naaawa ako sa mga pinsan ko. Their father is an OFW working in a cruise ship abroad. My cousins were 16, 14 and 1 year 5 months of age. The 2 older siblings were used to the system. Once in a while, their father would go out of the country and word abroad for several months.
     Minsan, lilipas nalang yung mga birthday nila nang wala ang kanilang ama. Nakakalungkot isipin na sa murang edad ng bunso kong pinsan e mawawalay siya sa kanyang ama. Sabihin na nating bata pa siya, pero kilala na niya kung sino yung papa niya. Maybe for some, it's not a big deal yung ganitong mga sitwasyon, pero kung titignang mabuti, may masamang epekto yung pagkawalay ng ama sa kanyang lumalaki pa lamang na anak.
     This may have a psychological impact to the child. I'm not in the proper position to say anything about good and bad in the child's soon-personality, but from what I can see to my oldest cousin, he longs for a fatherly love. From my point of view, I can say he's somewhat a rebel. I don't want my youngest cousin to be like him. Much that I would want their father not to leave, I can't do any a thing. Poverty is always the reason.
     Kung mayaman lang ang Pilipinas, hindi sana mawawalay yung tito ko sa mga anak niya. Sana may amang laging nagmamatyag sa mga pinsan ko. Kahirapan ang ugat ng lahat. Kahirapan. Siguro kung mayaman ang Pilipinas, hindi na kakailanganin ng mga pilipinong lumikas at magtrabaho sa ibang bansa para punan nag mga nagmumurang sikmura; hindi na sana mangungulila ang mga babae sa tahanan; at hindi na sana mapapariwara ang ilang kabataan dahil sa kawalan ng patnubay ng isang ama o ina.
     Nasuri niyo na ba ang lagay ng ating lipunan? Ang mayayaman, lalong yumayaman. Ang mga mahihirap, lalong naghihikahos at lumulugmok sa lupa. Nakikita niyo ba ang mga ito? o sadyang hindi niyo tinitignan dahil sa hindi naman kayo apektado ng kawalang hustisyang ito? Mapunta tayo sa gobyerno, bilang niyo ba ang mga pera winawaldas ng mga kurakot? Kilala niyo ba ang mga lintik na may kapangyarihan na sakim at nilamon na ng pagkagumon sa yaman? Ilang pilipino pa ang makikita natin sa daan na nanlilimos, putikan at walang ligo at kain? Ilang pamilya pa ang wawasakin ng kahirapan? Ilang siglo pa ang bibilangin ng mga pilipino para kumawala sa kadena ng kahirapan? Ilang henerasyon pa ng mga pilipino ang magdurusa sa kamay ng mga gahaman at kurakot sa gobyerno? Ramdam na nating lahat ito, hindi ito bago.
     "Mahirap maging mahirap," yan yung sabi ng guro ko sa math dati. Hinding hindi ko  yan kakalimutan. Marami nang sinira ang kahirapan, at hindi ako papayag na maging isa ako sa mga biktima. Ikaw? Papayag kabang matulad sa ilang nalulunod sa kumunoy ng kahirapan? Mag-aral ka ng mabuti. Sabay tayong kakawala sa lecheng kahirapan ito.


-Pablo Juan
 
Picture
           Last night was the longest night i've ever had. I dunno why but insects (gamo-gamo i think) kept me awake- they kept buzzing and flying around the lights. So we opt to turn off the lights. Then it rained. The rain and the wind were strong. At long last. I can smell the end of summer. Yeah! Indeed, It was the last day of April. One more month to go and I'm out of this house.
          As I lay myself awake, I found a drive to write. I dunno from where did the drive come from. All I know is that I need to write. Thank you rain. You're the only thing in this world that can make me realize things from nowhere.

-Pablo Juan

 
Bakit ganun? Pag kapatid ko yung humihingi ng something sa mga magulang ko, tententenen! Anjan agad... kung may delay man, nakukuha parin niya.
Bakit pag ako? Ilang taon pa bago ko makuha yung hinihingi ko??? Minsan pa nga di ko na talaga nakuha.

You know what's really depressing?
It's when you know your brother will have his great summer and you, stuck in this freakin' house to help in whatever things that needed help.

Let's say I'm jealous. I really am. I know and you know that my family is poor, but not as poor as a rat. So I needed my bones and flesh to dwell in perspiration. I need to help my mom in our business and not just sit here, relax my ass as I type this bad shot I got.

AKO! AKO! LAGI NALANG AKO... laging inuutusan, laging pinapagalitan.
The first time i had a girlfriend, pinagalitan ako. I was 3rd year then.
My brother, he had his first when he's in 2nd year. I'm older. I know. So every eyes are upon me.
Family first. No girls. No love life. I know it's not related but this do always hit me in my cerebrum.

Pag sinagot ko sila ng, "AKO NA NAMAN!!! Hindi ba pwedeng utusan yung isa jan????"
Ito ang laging isasagot ni mama, "NAGBIBILANG KA NA NAMAN NG MGA GAWAIN? Tignan mo nga ako buong araw at gabi akong kumakayod para may pera tayo.. blah blah blah..."


THEY DON'T GET MY POINT!
my point is, kaya antamad tamad ng kapatid ko ay dahil sa ginagawa nila... lagi nilang kinukunsinte ang kapatid ko... lahat ng luho nasakanya...

Three nights past... masaya kong sinabe kay mama na may reunion kame ng HS Friends ko...... so i was trying to ask her if she can give me back MY money... she borrowed ALL of my money just as before the term ends... then and there, nagalit siya. Telling me na wala daw siyang pera... then enrollment ko pa daw.... may utang pa daw siya... blah blah blah... OKEY FINE! Naiintindihan ko! Di niya mabigay pera ko kase wala siyang pera.

yun, kanina... bigla ba naman akong sigawan na wag na daw akong sumama sa reunion for no good reason.... hindi maganda ang gising ko... i was having bad dreams since last week. I have no proper and sound sleep. then, a super BV will give me a headstart... FINE! WAG SUMAMA. IS THAT A PROBLEM? There's always next time...

but, that's not the climax of the story...

It pained me a lot knowing that my brother will a have a trip to Baguio.. huh.... now tell me... what should I feel??????????????????????????????????????????????

Reader... I'm sorry for posting this... you must know by now then that this damn, awful blogsite is my only way to channel my depressions, feeling, hatred in this world....

When I'm in this house, I have nothing but this desktop and keyboard to share my emotions with.

I'm still hoping for a change... T.T






-Pablo Juan
 
Picture
Eiffel Tower. Paris, France. February 14, 2024.
    Last night, I had this strange dream. My girl and I were at the top of Eiffel tower. The wind bashes its coldness but the warmth of our love made us burning.
    I think the scene that had happened was a scene when and where I should be proposing. Yeah, I had a ring hidden in my pocket there - a sapphire ring. As I started the proposal, the settings changed.
    Holding the ring, looking up the tower. Then I woke up. Indeed, that girl is hard to be with, even in my weirdest dreams...

-Pablo Juan
 
Author's Note: I did not write this to enrage my readers. I'm writing this not because I am in deep sense of my emotions but because I just wanted to share, not my emotions but the wisdom hidden in this crap.

FACT: The current sex ratio of men to women in the Philippines is 2.8 : 3.0 (all ages combined).


Q: So what does this freaking figures mean???
I may not have the authority to explain those figures but based from what I can see, I can (of course you might as well say) say that there were more women than that of men.

Q: What now?

Let's just simply talk about boy-girl relationships.

    Sa totoo lang, mas malapit ako sa mga babae kesa sa mga lalaki. Sobrang dami kong kaibigang babae. Mas madali kong nakakasundo ang mga babae kesa sa mga lalaki. (OH OH OH...DISCLAIMER: TIGILAN ANG PAG-IISIP NA AKO'Y BADING. HINDI PO. ) >.<
    So ganito yun... sabi nga sa taas, mas marami ang babae kaysa sa mga lalaki (hindi pa kasama jan ang mga kabilang sa 3rd, 4th, o kung ilan pa mang sexes). At dahil jan, one-on-one-boy-girl relation ay parang hindi NA DAW sapat sa ating panahon.

Let me talk to two-timers:
    F*ck you dude! Wag na wag mong sasabihin sakin na mas marami ang babae kaysa sa mga lalaki para mag-two-time ka! MAS LALONG WAG NA WAG MONG IRARASON SAKIN NA PUPUNAN MO ANG PANGANGAILANGAN NG DALAWA O HIGIT PANG MGA BABAE!!! LECHEPLAN... kung inaatake ka ng kakatihan mo, wag sa ibang babae... sa syota mo na lang...
   
    Isa pa...   WAG NA WAG MO RING IRARASON SAKIN NA HINDI NAMAN MALALAMAN NG GIRLFRIEND MO NA MAY ISA KA PANG GIRLFRIEND... Ano feeling mo??? Hyper gwapo??? (**DISCLAIMER ULET: Hindi ako bitter dahil single pa ako. Kung babatikusin mo ang pagiging single ko, pag-isipan mo.) Tulad ng sabi ko sa taas, mas malapit ako sa mga babae. Kaya kung may hinanakit sila sa mga bf nila, bilang kaibigan, mahirap para sakin.
   
    Being involved in a relationship means being involved in a battery of tests. Tests where the strength and bond of trust and love are put into trials... with time, and with people around, who may strengthen, or destroy the relation. Now, in the case of the two-timers, saying all of those given above means one is in great danger of stupidity, lack of reasoning and values.
    RESPECT IS THE TERM HERE, DUDE.  Respect. If you know how to respect your girl, then you might as well know how to respect yourself. Keep your head in check, you might be suffering from hydrocephalus.

    I love my friends, most specially the girls. So I'm doing everything to give best respect to them as that of the respect that I give my mom. It pains me whenever I hear them saying "my boy cheated on me" or "I'm his second choice". If you can't stop yourself from having two girls, then YOU DON'T KNOW WHAT LOVE IS. It's not love when you say you are in two or more relations. REMEMBER THAT YOU DON'T NEED A RELATIONSHIP TO SAY YOU ARE IN LOVE.



Yours,
-Pablo Juan.
 
Picture




Ito ang pangarap kong kainin kasama siya.. sa araw na mahalin niya ko..

    Ito yung bagay sa buong buhay ko na hindi ko makakalimutan. Ito kase yung bagay na pinangako ko sa taong una kong minahal... at hanggang ngayon, hindi ko pa tinutupad kase alam kong hindi pa ngayon yung oras para tuparin yun.
    Hindi ko alam kung nahihibang na ako o sadyang hindi ko lang talaga makalimutan na siya yung babaeng sobrang mahal na mahal ko. Sa kasamaang palad, hindi mabait sakin ang tadhana. Kung mangyari mang hindi talaga namin makain ng sabay itong melon ice cream na ito... Tatanggapin ko nalang?? Ayoko magsalita ng tapos... mahirap na... mahirap na...
    Lahat ng mga pangako ko, hindi ko pinapako... Hindi ko pa man magawa sa ngayon, hinding hindi ko kinakalimutan. Pag ako nangako, isip at puso kong binibitawan ang salitang yun. Kaya sa iba na nagsasabing, "Mapapako lang yang pangakong yan"... malay mo hindi pa panahon para gawin ang pangakong nabitawan ng isang tao...
    Pagtitiwala at paghihintay lang ang kailangan.

=')

-Pablo Juan
 
I may not know if this statement is true.
Maybe I'm just overgeneralizing.
But in my opinion, this is true.

Who on earth wouldn't want to be loved???

A man like me would always dream and wish this...
"all i ever wanted is to be loved."
Not that I / we do not feel being loved literally but what I'm saying is that all that I have dreamed is someone loving me...

to those who know,... they know the story why I'm still single... why I don't search for someone... for another girl... to those who don't, maybe it is better for you not to...

month of love is way back months over... but still, there's no exact time to talk about love, for love is always timeless..

To you who's reading this post at this very moment,...
maybe it is about time to say "i love you" to those important to you... for they might also need love...

but still... it is not the way you say it that matters, it is the content of the sentence.
Give importance to people around you... with all the disasters that is happening and will be happening, we'll never know...

maybe, you are the one that that person is waiting for... the one person that can fulfill a person's dream...

the dream of being loved.

-Pablo Juan
 
ayon sa aking guro sa edukasyong pagpapahalaga,...

Ang MARANGAL na BABAE ay nagpapaligaw sa LOOB ng kanyang TAHANAN...
hindi sa kalye, sa eskwelahan, hindi rin sa mall, sa KKK (kasulok-sulukan, kadilim-diliman, kalamig-lamigan) ng sinehan, hinding hindi sa kanto o sa may tindahan...

SA TAHANAN INENG, SA TAHANAN..!!!
hindi sa text o sa chat... hindi sa fb o twitter... lalong hindi sa kung saan saan...

sa tahanan ineng, sa tahanan.
Sa tahanan kung saan alam ng iyong mga magulang. Sa tahanan kung saan walang ibang pagkakaabalahan at lalong walang mapagsasamantalahan...

sa kabilang banda...

Ang MARANGAL NA LALAKI ay MAGPAPANATILI NG DANGAL NG BABAE...
hindi niya liligawan ang babae sa kalye... kadiri naman, ampanget ng view...
hindi rin niya liligawan sa eskuwelahan dahil ang purpose ng paaralan ay pag-aaral at hindi kalandian.
Hinding-hindi sa KKK ng sinehan dahil ang temptasyon ay sagana,
lalong lalong hindi sa text, chat, o social networking sites... 

pano nila mararamdaman ang sincerity kung virtual ang nanliligaw sa kanila/???

Ang tunay na lalaki, haharap sa magulang ng babae at MAGPAPAALAM ng panliligaw...
hindi yung parang kabuteng haharap sa magulang ng babae at sasabihing "ako po yung boyfriend niya."

but still...
sabe nga sa theories of learning,...
there is this ID (individual difference) that makes everyone different from one another...

maybe... maybe some would prefer everything opposite to those statements... 
but then let's just consider the sanctity of the start of any relationships... 

-Pablo Juan

    "A little faith can do wonders... A little faith."
    -Bishop Aringarosa, The Da Vinci Code

    Click to set custom HTML

    BABALA...

    Sa parteng ito, inaaasahan ko po ang inyong malawak na pang-unawa, bukas na pag-iisip at matatag na paninindigan. 

    Ang parteng ito ay sampu ng aking mga opinyon, tama man o mali, akin pong pinaninindigan. 

    Wala pa man ay humihingi na po ako ng kapatawaran. Matabil ang aking panulat, masakit ang aking salita. Kung masaktan man kita, oo, ikaw na mambabasa, nawa'y patawarin mo ang aking pagsubok na ipakita ang realidad ng buhay.

    ITO ANG REALIDAD NA AKING KINALAKIHAN AT KATATANDAAN.

    Salamat sa pagbabasa, mabuhay ka, oh mambabasa!


    -Pablo Juan

    Archives

    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    January 2011
    December 2010
    November 2010

    Categories

    All
    Love
    Miss
    Relationships
    Ulan