ahahahahha... Nabasa ko yung mga terms na yan sa facebook...
pero anu't-anuman... isa lang ibig sabihin niyan eh.

HAPPY BIRTHDAY JESUS, SON TO MARY THROUGH THE INTERVENTION OF THE HOLY SPIRIT. BORN IN BETHLEHEM DIED IN GOLGOTHA. KING OF JEWS, KING OF KINGS. :)

Alam nga natin na kaarawan Niya. Pinagdiriwang nga atin ang araw Niya. Pero alam ba natin ang tunay na kahulugan ng araw na ito?

Sabi ng propesor ko sa teolohiya, hindi naman daw talaga December 25 ang kaarawan ni Hesus. Sinunod lang raw ang kaarawan Niya sa isang Romanong pagdiriwang na tinatawag na Saturnalia, isang pistang alay sa diyos na si Saturn.

Pero hindi iyon ang punto ko sa sanaysay na ito (kung sanaysay ngang maituturing).

Maraming pagkain sa hapag-kainan. Maingay ang kapaligiran. Masaya ang bawat kabahayan. Maraming regalo at busog ang mga tiyan. Tuwing araw ng pasko, bumabait ang lahat. O tuwing panahon ng kapaskuhan tila nagbabago bigla ang bawat isa. Oo. Tuwing Disyembre.

Pero, tama ba ang tradisyong ito? Alam kong parte na ng kultura ng mga Kristiyano Katoliko ang pagdiriwang na ito. Pero tama bang isaisip ng bawat mamamayan na tuwing pasko lang maging mapagbiay? Maging mabait? Maging masaya? Na automatikong dapat maging mabait tuwing pasko? tsk! KALOKOHAN.

Hindi ko binabatikos ang araw kung kailan ipinagdiriwang ang kaarawan ng Diyos. Ang sa akin lang, ANG DECEMBER 25 AY ISANG IMAHINASYON LAMANG. ISANG ARAW AT NUMERONG LIKHA NG TAO.

Nabuhay ang Diyos para lang ipagdiwang sa isang araw? Hindi ba't dapat araw-araw ay ipagdiwang natin ang kaarawan ng Diyos? Na may Diyos? Na may nabuhay na Diyos, katawang tao at ispiritu at namatay para sa lahat ng tao?

Pustahan. Matapos ang pasko o kapanahunan ng pasko ay may patayan na naman. Giyera. Nakawan. Pang-aabuso, at kung anu-ano pang kawalan ng hustisya.

KUNG KRISTIYANO KA, MAAARI KANG SUMALUNGAT SA MGA SINABI KO. PERO ANG SA AKIN LANG, KASAMA NATIN ANG DIYOS HINDI LANG SA ARAW NG PASKO KUNDI ARAW-ARAW. KAYA DAPAT, ARAW-ARAW TAYONG MAGING MABUTI, MAPAGBIGAY, MAPAGMAHAL AT HIGIT SA LAHAT, MAKA-DIYOS.

(maaaring may mga mali sa mga argumentong inilahad ko, kaya ang lahat ng opinyon na nabasa sa itaas ay nasa ilalim ng aking responsibilidad.)

:)
-Pablo Juan.



Leave a Reply.

    "A little faith can do wonders... A little faith."
    -Bishop Aringarosa, The Da Vinci Code

    Click to set custom HTML

    BABALA...

    Sa parteng ito, inaaasahan ko po ang inyong malawak na pang-unawa, bukas na pag-iisip at matatag na paninindigan. 

    Ang parteng ito ay sampu ng aking mga opinyon, tama man o mali, akin pong pinaninindigan. 

    Wala pa man ay humihingi na po ako ng kapatawaran. Matabil ang aking panulat, masakit ang aking salita. Kung masaktan man kita, oo, ikaw na mambabasa, nawa'y patawarin mo ang aking pagsubok na ipakita ang realidad ng buhay.

    ITO ANG REALIDAD NA AKING KINALAKIHAN AT KATATANDAAN.

    Salamat sa pagbabasa, mabuhay ka, oh mambabasa!


    -Pablo Juan

    Archives

    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    January 2011
    December 2010
    November 2010

    Categories

    All
    Love
    Miss
    Relationships
    Ulan