Indeed it was, and will always be...  It was the most beautiful night life has given me so far. Just imagine the feeling when the one you wanted to be with the most is with you -- the one you had not seen for weeks, months and or even ages.
       Habang tumatagal, mas lalo kong naiintindihan kung sino at ano siya sa buhay ko. Kung ano ang halaga niya sa buong pagkatao ko. Hindi siya nagbago. Siya parin yung taong minahal ko... minamahal... at mamahaling muli. Siya parin. Siya parin at wala nang iba.
      Siya lang sa lahat ang may karapatang tawagin ako sa buo kong pangalan pag wala na ako sa sarili ko. Siya lang rin yung madalas kong napagsasabihan ng kung anu-ano. Siya lang ata yung nakakakilala sa buong ako? Sa masayang ako? Sa malungkot, may iniisip, may problema at may kalokohang ako? Di ko sigurado... Pero, alam kaya niya na mas buo ako pag nandiyan siya?
     Kanina pa ako siya ng siya (eh sa siya lang naman kase mukhang bibig ko sa oras na ito)... hindi parin ako makaget-over sa mga naganap. Totoo ba? Totoo ba talagang kasama ko siya kagabe? Nakita? Naamoy at nahawakan? Totoo ba? Kurutin niyo nga ako... Pero kung nananaginip man, gisingin niyo na agad... ayoko to maganap sa panaginip. Gusto ko sa realidad..(hello? subconscious ka ba? REALIDAD TO! ). Hindi niya lang alam kung gaano niya ako pinasaya kagabi.
     Isipin lang siya e nangingiti na ako. Isipin lang siya e inspired na ako... eh ano pa ngayo't nakasama ko pa siya? Sobrang na-miss ko siya... Sobrang na-miss ko siya...
     Maraming nagtataka at nagtatanong kung sino daw siya... kung bakit daw siya nandoon sa party... kung bakit ko daw siya sinama... kung anong meron samin... kung kami ba... kung bakit ganito, kung bakit ganyan... at kung anu-ano pa... maraming tanong. Sobrang maraming tanong kagabi. Sobrang maraming tanong na hindi ko na alam kung paano sagutin.
     "Friends lang kami..."."Special friend ko siya". Gumulo ata? O pinagulo ko? Ahh ewan... Bakit ko siya niyaya? Bakit niya sinagot? Ahh ewan.. basta ang alam ko.. Masaya ako kagabe. Masaya ata siya kagabe. Oo. Hindi kami. Pero gaya ng paulit-ulit ko nang sinabe, hindi kailangan ng isang relasyon para maging concern ka sa isang tao; para mahalin mo siya; para alagaan at arugain. Eh kailan daw ba kase magiging ganun na yung estado namin? Andame na talagang tanong.
     Oo nga't mahal ko siya. Alam ata ng buong block ko yun. Pero hindi ata nila alam na hindi ko pa sinasabi sa kanya yun. (Eh bakit hindi mo pa sabihin para gogogo na sa next level?) Bakita nga ba hindi pa? Isa lang rason ko jan. Isa na mag-uugat sa maraming rason. Hindi ko pa kayang patunayan na mahal ko siya o pwede ring hindi ko pa nahahanap yung nawawala kong sarili o pwede ring hindi ko pa talaga kilala yung sarili ko. Ahh ewan... hindi lang pala isa yung rason... andami rin pala nila... hindi ako lasing pero hindi ko na ata alam ang mga sinasabe ko..
     Balik nga tayo sa isyu... Masaya ako dahil nakasama ko siya. Nung gabi rin iyon, biglang tinugtog yung kanta ko para sa kanya... Prinsesa...  Tumigil ang lahat. Pinagmasdam ko lang yung Prinsesa ko. Siya parin ang babaeng minahal ko. Matagal ko ring hinanap-hanap yung boses niya. Yung ngiti niya. Yung mata, salamin, buhok... lahat... Sobrang na-miss ko siya. Pero sa huli, umaasa parin ako na ganun rin siya sakin...

     Umaawit na naman akong muli, hindi dahil sa nabubuhay ako... kundi dahil nagmamahal ako.



Leave a Reply.

    "A little faith can do wonders... A little faith."
    -Bishop Aringarosa, The Da Vinci Code

    Click to set custom HTML

    BABALA...

    Sa parteng ito, inaaasahan ko po ang inyong malawak na pang-unawa, bukas na pag-iisip at matatag na paninindigan. 

    Ang parteng ito ay sampu ng aking mga opinyon, tama man o mali, akin pong pinaninindigan. 

    Wala pa man ay humihingi na po ako ng kapatawaran. Matabil ang aking panulat, masakit ang aking salita. Kung masaktan man kita, oo, ikaw na mambabasa, nawa'y patawarin mo ang aking pagsubok na ipakita ang realidad ng buhay.

    ITO ANG REALIDAD NA AKING KINALAKIHAN AT KATATANDAAN.

    Salamat sa pagbabasa, mabuhay ka, oh mambabasa!


    -Pablo Juan

    Archives

    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    January 2011
    December 2010
    November 2010

    Categories

    All
    Love
    Miss
    Relationships
    Ulan