December 17, 2010, Friday- Paskuhan sa UST.
Isa sa pinakamasasayang gabi at madaling araw ng buhay ko.
Kasama ko ang mga kaibigan ko.
Then, out of nowhere, naalala ko yung date kong pangarap bago ko makapasa sa uste:
"magkatabi sana kame sa paskuhan ng uste..."

Pero nung naalala ko yun, hindi ako nalungkot... Bakit??

kase masaya naman na ako kahit wala siya...
ngayon ko lang narealize, masaya naman akong maging single ahh?
kase, may time ako with my friends... silang nandiyan lage... so, bakit ko pa hihilinging matali sa isang tao kung marami namang nanjan para magpasaya sakin?

naisip ko lang....
bakit ba may mga taong gusto laging magkaroon ng bf/gf??? lalo na at pasko...
**oo nga minsan naiisip ko ring tumatakbo ang oras, maaari akong mahuli, pero alam  ko may nakalaang babae para sakin...

kaya ba nila gustong magka-bf/gf para may maipagmayabang sa iba? para masabing 'MERON AKONG KA-AYLABYU SA PASKO'? para may pang-inggit? para may makayakap? may masabihan ng mahal kita? para may ma-receive na text na 'goodmorning babe'? o may makahalikan pag hindi mapigilan ang bugso ng damdamin?
**Oo nga't masarap magkaron ng bf/gf... lalo na kung ganitong mga okasyon... may makakasama ka buong maghapon at magdamag... pero yun ba talaga yung purpose ng pag-involve sa isang relasyon? ang init ng katawan? ang presensya ng isa't-isa? ang sarap ng halikan, yapusan at kung ano pa? ang matatamis na 'i love you'? tingin ko... hindi... (Oh kung may karelasyon ka wag kang defensive... hindi ako psychic pero kung may karelasyon ka alam ko ang isasagot mo...)

Being part of an intimate relation is like having an investment... you do not invest those hugs and kisses that you give, but invest those memories when together... not the sensual thing but the sweet ones (though kissing could be one sweet thing)... not the sweet words but the special thoughts... not the other's presence but the trust..

i know you might be confused with the point that i'm saying... (kase maski ako hindi ko alam ang mga sinasabe ko sa mga oras na to).. pero isa lang naman ang gusto kong sabihin eh....

KUNG SINGLE KA, MAGING MASAYA KA... KASE HINAHANDA PALANG NI GOD YUNG BEST FOR YOU... FOR US RATHER.. ano naman kung hindi ka sinagot ng nililigawan mo? ano naman kung nag-break kayo ng lintik mong boyfriend? ano naman kung hindi mo mahanap yung right one for you??? ano naman kung hindi ka niya mahal? ano kung meron na siyang iba?? PAPAKAMATAY KA? ITITIGIL MO MUNDO MO? MAGPAPAKA-EMO KA?? tsk... ate, kuya... dumaan rin ako jan... hindi ka nag-iisa kung single ka...

ito lang isipin mo... WAG MONG HANAPIN ANG WALA... WAG MONG HANAPIN ANG HINDI MO ALAM KUNG SAAN MAKIKITA... all you need is wait... sabe nga ng friend ko..
''we are all but time travelers, traveling with a speed of 60minutes/hour''....
so what we need to do is to wait until we reach the perfect time to be taken or be taken again...

sa mga sabik  naman jan... sabik magka-bf/gf... eto lang masasabi ko...
indeed... kung magkaron ka man ng bf/gf... MAGBI-BREAK RIN KAYO....
lalo na kung past time lang ang gusto niyo
kahit kailan... walang relasyon ang tumagal sa mabilis na sagutan....

***Masaya ako kasama ang mga kaibigan ko... masaya ako at single ako... susulitin ko na ang pagiging single ko kasama sila... KASI PAG DUMATING ANG ORAS NA MAKITA KO SIYA.. KAMI NAMAN ANG MAGSASAYA... X)

-ang lahat ng mga opinyon sa taas ay opinyon ni Pablo Juan. walang partikular na pinatatamaan. pero kung ikaw ay natamaan ng aking opinyon, for sure... ikaw ang pinapatamaan ko...

-no more lonely nights. Pablo Juan.


Gwynn
12/31/2010 14:06:55

I LOVE IT!! true, true :))) kaya kita idol PJ eh :)

Reply
RYTIE
1/1/2011 09:44:42

TAMA NGA NMAN,,

Reply
1/1/2011 16:48:40

elow friends.. haha.. tnx for viewing this blogsite, website, whatever... haha..
Gwynn gracias!
RYTIE, tnx anyways for reading...

pwede pong pakilagay yung email if ever pseudonym gagamitin nio?? para mareplyan ko kayo thru mail... :) Tnx

Reply



Leave a Reply.

    "A little faith can do wonders... A little faith."
    -Bishop Aringarosa, The Da Vinci Code

    Click to set custom HTML

    BABALA...

    Sa parteng ito, inaaasahan ko po ang inyong malawak na pang-unawa, bukas na pag-iisip at matatag na paninindigan. 

    Ang parteng ito ay sampu ng aking mga opinyon, tama man o mali, akin pong pinaninindigan. 

    Wala pa man ay humihingi na po ako ng kapatawaran. Matabil ang aking panulat, masakit ang aking salita. Kung masaktan man kita, oo, ikaw na mambabasa, nawa'y patawarin mo ang aking pagsubok na ipakita ang realidad ng buhay.

    ITO ANG REALIDAD NA AKING KINALAKIHAN AT KATATANDAAN.

    Salamat sa pagbabasa, mabuhay ka, oh mambabasa!


    -Pablo Juan

    Archives

    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    January 2011
    December 2010
    November 2010

    Categories

    All
    Love
    Miss
    Relationships
    Ulan