ayon sa aking guro sa edukasyong pagpapahalaga,...

Ang MARANGAL na BABAE ay nagpapaligaw sa LOOB ng kanyang TAHANAN...
hindi sa kalye, sa eskwelahan, hindi rin sa mall, sa KKK (kasulok-sulukan, kadilim-diliman, kalamig-lamigan) ng sinehan, hinding hindi sa kanto o sa may tindahan...

SA TAHANAN INENG, SA TAHANAN..!!!
hindi sa text o sa chat... hindi sa fb o twitter... lalong hindi sa kung saan saan...

sa tahanan ineng, sa tahanan.
Sa tahanan kung saan alam ng iyong mga magulang. Sa tahanan kung saan walang ibang pagkakaabalahan at lalong walang mapagsasamantalahan...

sa kabilang banda...

Ang MARANGAL NA LALAKI ay MAGPAPANATILI NG DANGAL NG BABAE...
hindi niya liligawan ang babae sa kalye... kadiri naman, ampanget ng view...
hindi rin niya liligawan sa eskuwelahan dahil ang purpose ng paaralan ay pag-aaral at hindi kalandian.
Hinding-hindi sa KKK ng sinehan dahil ang temptasyon ay sagana,
lalong lalong hindi sa text, chat, o social networking sites... 

pano nila mararamdaman ang sincerity kung virtual ang nanliligaw sa kanila/???

Ang tunay na lalaki, haharap sa magulang ng babae at MAGPAPAALAM ng panliligaw...
hindi yung parang kabuteng haharap sa magulang ng babae at sasabihing "ako po yung boyfriend niya."

but still...
sabe nga sa theories of learning,...
there is this ID (individual difference) that makes everyone different from one another...

maybe... maybe some would prefer everything opposite to those statements... 
but then let's just consider the sanctity of the start of any relationships... 

-Pablo Juan
 
a/n: let's just assume na kilala niyo ang tinutukoy ko. XD

first day of class palang siya na nakita ko...
bago pa ko pumasok sa building, siya na nakita ko... 
augh...
i really don't believe in ''love at first sight''. 

oh crap...
sa tinagal-tagal ng panahon, hindi na kailangan pang paniwalaan ang love at first sight...
nadevelop ako sa kanya...
indeed.... sobrang minahal ko siya...
mahal na mahal.

mahal...



na...



mahal...


alam naman nating may mahal siyang iba...

pero,

pero... (hingang malalim..)





di nagbago yung nararamdaman ko...



siya parin... 



hanggang ngayon...


sabihin mo ng hibang, baliw, martir at adik ako...

pero ito talaga yung nararamdaman ko...





at pinagsisisihan kong hindi ko ginawa ang lahat para hindi siya mawala.


at ngayon.. summer na naman...



halos isang taon narin ang lumipas.........


mangangarap na lang akong muli na siya ay magbalik..




sadyang puno ng kalungkutan ang tag-init. :(

-Pablo Juan.
 
whew...tapos narin ang taon ng mga estudyante... wohooooooo...

WELCOME SUMMER VACATION...! 
mahaba habang panahon na naman ng katamaran at pangungulila...

speaking of pangungulila, miss ko na yung mga taong kasabay kong nag-welcome sa summer vacation one year past... MISS KO NA ANG HIGH SCHOOL FRIENDS KO.. :)

it's time para sa ubernayt at gala with them.. hahaha.... XD

this summer, i'll miss my college friends... 
kahit ganun kabaliw at kaloko yung mga yun mamimiss ko parin sila... :(
lalo pa ngayon at di ko pa sure ang future ko... whether i'll stay or other way around..

hmmmhhmmmhmhmh...
kung makalipat ako, then it may be good for me...
kung hindi, good parin kase with them i'll stay...

still we'll never know future's mind.
life is always a complex matter of ''hi.. hello..'' and ''goodbye to you my fellow''.

we'll see... we'll see...

see you all in the nearest future.. :)
lablab...

happy vacation. :)

-Pablo Juan
 
sinong tao ang walang panghihinayang na naramdaman kahit minsan???
parang imposible naman kung merong taong ganun...

pero, naisip mo ba kung meron ngang ganun???
siguro napakasaya ng taong yun... walang panghihinayang... walang sakit na nararamdaman...

sa buhay ko, ayun.... punong puno ng panghihinayang. but that doesn't end there...

i need to move on...
the only problem is that i do know not....

minsan tuloy naiinggit ako sa mga taong sobrang masaya sa kahit na anong aspeto pa ng buhay....

what must i do...
BE CONTENTED!!! BE CONTENTED!!! (yeah yeah yeah... alam ko na yan... pero you know what...?)

anhirap kayang i-apply nian sa life... ahahhahahhahah... kaya nga mahirap abutin yung last stage ng maslow's hierarchy of needs eh... kase walang taong contented sa buhay niya...kahit sabihin man niyang contented siya, at some point of his or her life may hinahanap siya...

tulad ko... may pinaghihinayangan akong isang bagay na hindi ko nagawa...
this time.... i have a decision to make... and i can't afford to regret any a thing...

the bottom line is that life is always a matter of one best choice...
and i have to choose mine... :)

-Pablo Juan.
 
antagal ko rin hindi humarap sa pahinang itim na ito. . .
nakakamiss rin pala... ahahhahha

whew.... isang linggo...
isang linggong nalalabi... at... paalam na...

sabi nga ng kanta...
♫bye, bye na. aalis kana. bye bye narin ba sa ating alaala?♪

anong paglisan ang hindi masakit??? 
kahit ano naman siguro may kalakip na sakit eh... pero sa huli,

hahantong at hahantong ang lahat sa mga paraan kung papaano tatanggapin ng isang tao ang isang paglisan.

sa taong ito, nasubok ang katatagan ng aking pagkatao.
natupad ko ang isa, o dalawa sa mga pangarap ko.
siguro, may mga bagay lang talagang dapat kong bitiwan para makamit ko naman ang iba.

di ko alam ang aking kapalaran. kaya ayokong magsalita ng tapos...

uulitin ko lang...

kung makita pa nila ko sa susunod na taon, maganda. pero kung hindi, laging may rason. :)
masakit mang isipin, masakit mang sabihin ang katagang 'paalam'... parte na yun ng buhay...

sa huli, maghihwalay at maghihiwalay ang lahat... kung kailan, ay Diyos lang ang nakaaalam.

-Pablo Juan
 
Miss ko na...
* ang pagpupuyat. Yung matutulog ng 2am, gigising ng alas kwatro.
* ang paggawa ng research paper.
* ang flag ceremony tuwing monday. (♫The joys of wisdom! The laughter of youth♫)
* ang 2x3 na buhok ni ms. castillo... joooowwwkkk.. :)
* ang pagod na mga tao tuwing umaga pagpasok ng room.
* ang chalk at blackboard na green naman talaga.
* ang pamatay ng quiz sa analytic geometry ni sir espi.
* ang dramatic monologue ni dr. cruz.. XD
* ang kulit at KALTOK ni sir espino.
* ang sigaw at boses ni dr. cruz* ang TUBA-TUBA group.
* ang mapa ni cholentron.
* ang SPARK! 
* ang spark room.
* ang ceteris paribus ni ma'am mercado.
* ANG YOUTH FOR MARY AND CHRIST- YMC-PNHS. (Oi! Rosary daw sabe ni tita annie!) 
   tapos di pupunta at tatambay sa room. 
* si tita annie.
* ang puting buhok ni sir urbano.
* ang flags at drums ng drum and lyre.
* ang pinakapopuladong paaralan sa buong asya, PNHS-Main!
* ang PINAKAMAMAHAL KONG DOST.
* ang pinakamaganda kong teacher na si Ma'am Gonz date... (♫ si mam gonz! si mam gonz!)
    na ngayong ay mrs. avendaño na...
* si mrs. ladines at ang maganda niyang sulat.
* ang wagas na laro tuwing advanced chemistry ni ma'am avendaño.
* ang boring na MAPEH time.
* ang crowded na room ng porei tuwing journalism time.
* ang canteen.
* ang pagiging alila tuwing may activity sa school .
* ang INTRAMS!!!
* pagiging journalist... 
* si mama garbin... at ang mga kwento sa KAYUMANGGI.

...itutuloy.

 
wala akong masabi kaya ito ulit ang sasabihin ko.. 

happy???

-Pablo Juan
 
tagal ko ring nawala. whew. ang hirap ng walang net sa bahay. 
alam niyo yun??/
hahahahhaahhah...

na-miss ko to...
for sure di niyo na-miss ang ingay ng aking mga kumento.
hahahha...

then again, na-miss ko to...

tulad ng pagka-miss ko sa isang bagay na nagpapabago ng aking gabi't mga araw - ang ulan.

proceed to makata. 
:)
-Pablo Juan. 

    "A little faith can do wonders... A little faith."
    -Bishop Aringarosa, The Da Vinci Code

    Click to set custom HTML

    BABALA...

    Sa parteng ito, inaaasahan ko po ang inyong malawak na pang-unawa, bukas na pag-iisip at matatag na paninindigan. 

    Ang parteng ito ay sampu ng aking mga opinyon, tama man o mali, akin pong pinaninindigan. 

    Wala pa man ay humihingi na po ako ng kapatawaran. Matabil ang aking panulat, masakit ang aking salita. Kung masaktan man kita, oo, ikaw na mambabasa, nawa'y patawarin mo ang aking pagsubok na ipakita ang realidad ng buhay.

    ITO ANG REALIDAD NA AKING KINALAKIHAN AT KATATANDAAN.

    Salamat sa pagbabasa, mabuhay ka, oh mambabasa!


    -Pablo Juan

    Archives

    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    January 2011
    December 2010
    November 2010

    Categories

    All
    Love
    Miss
    Relationships
    Ulan