sa dalawang linggo na yon, sobrang dame na ang nangyare...
sooooobraaang dameee..
kita mo nga, ngayon lang ako ulit nakapagsulat...
di na kame madalas makapag-usap.
sobang miss ko na siya.
may salamin narin ako tulad niya.
mukhang nerd nako.
nerd.
nerd.
nerd.
oo nga't mas nag-aaral na ko ngayon kesa date, pero hindi ako nerd. (defensive?) hahahaha...
ang sarap pag-aralan ng mga subjects ko ngayon. sabe nga sa philosophy of hedonism, 'THERE'S NO PLEASURE IN STUDYING.' but i say it other way round.
alam mo yung nag-aaral ka pero masaya ka? yung parang walang hirap? kahit sa pagko-compute ng kaek-ekan ng chem?? alam mo yun? yung feeling ng inspired? yung nakangite habang nakikinig ng lesson? alam mo yun? alam mo yun?
dalawang linggo palang yung nagdaan pero parang ilang buwan na ang nakalipas.
habang dumadaan ang panahon, mas lalo kong napagtatanto kung bakit ko kinuha ang kursong sikolohiya. Tama ang propesor ko sa teorya ng personalidad nang sabihin niyang, 'you are in psych because you simply love people.' oo. mahal ko nga ang lahi ng tao. ang kilos, gawi, pag-iisip, at lahat ng meron ang isang tao. alam mo yung pakiramdam na hinahanap-hanap mo yung pagkatuto? yung sobrang gusto mong sunod na araw agad para matuto ka? yun ang nararamdaman ko ngayon.
mas lalo pang nag-alab ang kagustuhan kong matuto nang sabihin ng propesor ko na hindi man daw masagot ng sikolohiya ang lahat ng mga katanungang hinahanap namin, ay siguradong karamihan sa mga ito ay masasagot at maiintindihan namin sa nalalapit na takdang panahon.
dalawang linggo palang ang nagdaan pero parang ilang buwan na ang nakalipas.
marami na akong natutunan sa dalawang linggong iyon, ngunit sigurado akong mas marami pa ang nakaambang dapat kong matutunan.
hanggang sa muli,
Pablo Juan